North Rigel Dela VegaUnang araw ng second sem. Tatlong linggo na kaming mag asawa ng pinakapangarap kong babae. Pinaka unang beses kong mauna sa pag gising kaya may time ako ngayong pagmasdan sya.
Hays. Anong parte ba sayo ang pangit? Parang wala naman ata.
Biglang bumukas ang mata nya. Tangina? "Ano! Maganda ka." Sabay bangon ko at takbo sa cr "Good morning!" Sigaw ko.
Nagmumog lang ako sa cr at naghilamos. Amoy panis na laway ako kanina. Nakakahiya.
Dahan dahan akong naglakad papuntang kusina. Sumilip muna ako. Hmm. Nagluluto si Heartmir. Doing wife duties huh? Cute. Umagang umaga kami ngayon kase balik klase na. isang sem nalang talaga tapos thesis tapos graduate na.
Nagcucut ng bawang. "Tulungan na kita." Offer ko at bigla nya akong iniwan sa kusina at pumasok syang kwarto? Ay grabe.
Natagalan ako sa pag gawa kase naiyak pa ako sa sibuyas. Sobrang bait ko kaseng mister kaya lahat ng pwedeng balatan sa gilid ng chopping board eh binalatan ko na, tulad ng isang buong bawang. Napakabait kong Mister na tinutulungan ko ang asawa ko sa mga ganitong bagay. Simple lang naman. Hula ko eh mga 20mins kong ginawa yun. Madali lang naman kase.
Sinalubong ko si Heartmir na papasok ng kusina "Nabalatan ko nang lahat." Syempre proud ako.
Napailing nalang sya nung nakita nya ang ginawa ko "Bakit? May mali ba?"
Kumuha sya ng naliit na tupperware at pinasok ang ibang bawang na hiniwa ko saka tinabi ito "Bakit?" Di nya ako sinagot tapos nagsimula nang magluto. Napasobra ata yung bawang ko. Hahaha.
"Adobo?" Nagpatuloy lang sya sa pagluluto at di ako kinibo "Gusto mong kape?" Di sya sumagot kaya nag bukas ako ng cellphone para icheck kung anong gusto nyang kape.
May listahan ako ng mga gusto nya. Salamat kay Mommy.
"Black coffee!" Agad naman akong nagtimpla. Expert ako sa kape. Dito ako magaling.
After kong magtimpla, nag ayos narin ako ng mesa para ready na after nyang mag luto. Napakabait ko talagang asawa.
Matapos kong mag ayos syempre oras na para manood ako kag misis. Kahit maghalo ng niluluto sobrang classy parin. Sobrang in love ba ko para lahat nalang ng galaw nya maganda para sakin?
Unang sip nya nga kape eh halos mawalan ako ng hiningang naghihintay ng comment nya kung nasarapan sya o hindi. Haist. Di ko tuloy alam kung ayos lang sa kanya ang lasa. Kainis.
Sarap sa feeling pag may asawa. Di man sya nagsasalita. Sweet parin.
"Heartmir." Di nya inangat ang tingin nya at ipinagpatuloy parin ang pagligpit ng lamesa "Akong maghuhugas."
"Your uniform is in our room. I ironed it already." Sabi nya sabay lakad paalis.
Naplantsa pati ang uniform ko? Our room talaga no sarap. What goodness have I done in this world na pinadalhan ako ng ganitong biyaya? Napakasarap.
Mabilis kong hinugasan ang mga kinainan at umakyat na sa kwarto para maligo at magayos.
Nasa cr pa sya. Uhmm. Pasukin ko kaya para sabay na kaming maligo. Sweet nun tangina. Hahahah. Ano kayang ginagawa nya sa loob ng cr ngayon? Nagshashampoo ba? Nagsasabon? Tanginang sabon yan. Nagseselos ko!
Maya maya bumukas na ang cr at tangina. Nakatapis asawa ko! Ang kinis! Tangina!
Nanigas naman ako kase bigla syang tumingin sakin. Tangina. Nagsimula syang humakbang palapit sakin. Ano to? Heartmir umayos ka. Baka makagat kita kahit busog na ako.
"My uniform." Nawala naman ang lahat ng kaloko sa isip ko kase bigla syang nagsalita "Nasa likod mo. Stupid."
Napatayo naman ako bigla dahil sa sinabi nya. Oh shit! Nasandalan ko ang uniform nya "Sorry sorry sorry." Tangina. Anong gagawin ko? Hahawakan ko na sana sya kaso bigla syang tumingin sakin. Shit. Galit ba sya?
6:50
"Hi Rigel." Bati ng isang babae pag apak na pag apak ko sa education building. Gwapo ko talaga. Sorry girls. I'm married. Hahaha. Hinahatid ko lang po si Misis.
"Good morning." Bati pa ng isa. Naks. Fans pa more. Gwapo ko talaga.
"Baby Rigel. Kain tayo breakfast." Biglang sumingit si Paul. Luh? Hanggang ditto ba naman Paul?
Sinulyapan ko si Heartmir. Nakatingin lang sya samin. Wala lang. Nakatingin lang sya. Pero in fairness, hinintay nya ako. Tumigil rin syang maglakad. Progress!
"Sorry but my wife made a breakfast for me." Hanep. English na sagot ko. Tamang paimpress lang sa Asawa ko. Hahahaha.
May kinuha syang paper bag sa hand bag nya, inabot sakin at dire diretso syang pumasok sa room nya. Walang goodbye kiss? Ni lingunin ka nga di nya magawa, goodbye kiss pa?
Ano kaya to? Pagbukas ko palang ng paper bag eh naamoy ko na. Lunch ba to? Lord. Di man po nagsasalita ang asawa ko, thankful parin ako.
Sumilip ako sa classroom nila sabay sigaw "I love you Heartmir! Thank you sa pabaon!"
Nakangiti akong naglalakad papuntang building namin. Syempre di talaga mawawala ang mga bumabati sa kagwapuhan ko.
"Hi Rigel." Nakangiting bati ng tatlong babae na taga communication. Sa kanila ata nangagaling and pinakamaraming may crush sakin at sa mga kaibigan ko. Sila rin ang pinakavocal sa lahat kase mga di tinatablan ng hiya.
"Tol." Lumingon ako nung tumawag sa likod ko si Lavmir.
Gago talaga. Lakas makaakbay kay Andromeda pero kung makapambabae malakas din. Nahihiyang ngumiti sakin si Mida. Di parin sya kumportable kumausap sa mga tao pero sinusubukan nya kase si Lavmir ay sobrang extrovert. Palaging maraming kasama kaya nakikifit in nalang tong si Mida.
"Long time no see." Bati ko pabalik.
"Ano yan?" nguso nya sa paper bag na hawak ko.
"Pabaon ni Heartmir." Tumango tango sya mukhang di makapaniwala na pinabaunan ako ng kakambal nya. Tinignan ko ulit si Mida "Kamusta ka, Mida?" alam ko namang okay na okay tong si Lavmir. Si Mida ang kailangang kamustahin.
"Di ako okay, Rigel." Mahinang sagot nya. Tama yan Mida. Sabihin mo ang nararamdaman mo para aware tong gago mong aasawa.
"Anong problema nitong asawa mo?" kunot noo kong tanong kay Lavmir. Halatang iniexpect nya na ang sagor ni Mida. Aba! Dapat lang.
"Ewan ko jan." gago talaga.
"Hinay hinay sa pambabae, Lavmir. Baka iwan ka ng asawa mo." Tinapik ko ang balikat nya at bumaling kay Mida "Lakasan mo lang loob mo." Bilin ko aalis na sana ako nung mapansin kong nasa likod na nila si Vent na may kinakaing sky flakes.
"Hi, Maid of Honor." Unang binati nya si Mida. "Gusto mo?" aba? Nag offer pa ng pagkain. Sobrang bago nun a.
Kitang kita kong ngumiti pabalik si Mida pero nawala bigla nung himigpit ang pagkakaakbay ni lavmir sa balikat nya. Agad namang lumipat ang paningin ko sa mukha ni Lavmir pero wala namang nagbago. Di nya pinapahalata sa iba pero ayaw rin nitong iwan ng asawa. Di naman siguro takot maiwan kasa nagmanbababae parin pero ayaw nyang maiwan.
Hinablot ko nalang ang offer nyang sky flakes at ako ang kumain. "Halika na, Pre. Ayokong maubusan ng upuan." Aya ko sa kanya sabay talikod.
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?