20

17 1 0
                                    




North Rigel Dela Vega








"Pre! Dito!" Sigaw ni Vent na ang takaw takaw. Puno ba naman ang bibig pero nakaya akong tawagin sa lakas ng tunog dito.







"Anong meron? Paskong pasko ah!" Tanong ko agad pagkaupo sa sa couch.





Bumagsak sa couch si Hector at ngumisi. Tangina. Creepy! Mukhang may tama na to.





"Broken. Break na eh." Nagulat ako sa sinabi ni Vent. May halong tawa pa talaga ang pagkasabi ng ulol na to. Palibhasa di marunong mag seryoso sa babae.





Tinignan ko si Hector na kasalukuyang umiinom. "Nakipagbreak si Maria." Binagsak nya ang bote sa mesa at binigyan ulit kami ng pekeng ngiti. "Inom na Rigel."





Nagkwentuhan lang kami. Saglit kong nakalimutan ang bigat ng loob ko dahil sa pakikinig ng drama ni Hector.





Nakakailang bote na kami nung naisipan kong icheck ang cellphone ko baka nag aalala na ang asawa ko at tumawag o nagtext.





Nanlumo ako sa nakita. "Wala talaga!" Sigaw ko "Tangina inom tayo ng marami! Merry Christmas!"





Tumawa si Vent. Sayang saya ang gago. "May problema ka rin no?" Pasigaw na tanong nyang halata naman na may sagot na sa utak nya bago pa magtanong. "Hulaan ko! May dalawang mata yan." Parang tanga naman akong tumango. "May dalawang mata pero walang pagtingin sayo." At humalak syang parang walang bukas. Ulol na to. Masyadong masaya sa buhay. Hintay ka lang Vent. Mararanasan mo rin.





Nanging malabo na ang mga panyayari sa bar. Putol putol na ang mga naaalala ko. Tanda ko nagpaalam si Vent na sasayaw. Si Hector patuloy lang sa pag inom at sinisigawan ang mga babaeng lumalapit sa kanya. Nakaupo lang ako sa gilid, umiinom at nakahawak parin sa cellphone. Walang pinapansing ni isa sa mga lumalapit.


Pagbalik ni Vent sa table namin, napansin nya ang maya't mayang pagbukas ko ng cellphone. "Wala talaga?" tanong nya. lumagok lang ako ng inumin at di sumagot. "Aww. She genuily doesn't care. " hinablot nya ang cellphone ko. "Tama na kase yan. Para kang ulol sa kakamukmok mo jan. Magsaya tayo! Merry Christmas!"





Galing sa malabo, naging blanko na. Wala na akong matandaan basta ang susunod ay naramdaman ko nalang ang malamig na daloy ng tubig sa katawan ko. Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ko mismo ang nakatingin saking si Heartmir. Kunot ang noo at basa rin ng tubig. Ilang segundo ko pa bago marealize na nasa banyo kami at nakabukas ang shower.





"Di mo ako iniwan?" Halos walang boses na tanong ko. Nahihilo pa ako pero klarong klaro ang mukha ni Heartmir sa harapan ko. Di ako nananaginip.








"I will never." Diretso ang mata nyang nakatingin sakin habang binibigkas ang tatlong salita na yan.





Nagkatinginan lang kami. Hinahayaan lang namin parehong mabasa ang lahat ng damit namin. "Anong gusto mong sabihin?" Tanong ko kase parang may pinaparating ang mga mata nya.







Umiwas sya ng tingin "Clean yourself." Saka nya ako tinalikuran at kumuha ng towel bago padabog na sinarado ang pinto.







Galit ba sya dahil uminom ako? Diba mas dapat akong magalit kase wala di sya nagpaalam kung san sya nagpunta?







Pero teka.. Kinausap nya ako. Tangina. Narinig ko ang boses nya. Tinignan nya ako ulit sa mata. Hays. Nabawasan ng ilang percent ang inis ko. Marupok parin.





Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loving Heartmir Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon