North Rigel Dela Vega
"Mamaya ba aalis ka nanaman." Tanong ko sa kanya habang nakahiga kami sa kama. Kakadating lang nya galing sa duty nya sa coffee shop.
"Matulog ka na." Pagod nyang sagot.
Umakyat ang dugo ko. Nakakaramdam na ako ng inis dahil sa wala akong ideya kung anong mga ginagawa nya "Ano ba kase yan! Kung trabaho yan sasama nalang ako. Mag aapply rin ako! Nababaliw ako sa kakaisip kung san ka pumupunta tuwing sabado!" Malapit na magpasko at saka halos dalawang buwan na rin kaming mag asawa tapos ganito lagi. Palagi syang wala. Sunday naman ni di mo makausap kase tulog o may ginagawa o may binabasa. Kaso kahit di naman linggo, di rin naman sya makausap.
"Hanggang Linggo ako mawawala." Sabi nya sabay hila sa kumot.
Inagaw ko pabalik ang kumot at bumangon "Ano!? Mag isa ako dito! Magugutom ako!" Di nya ako pinansin. Baka nakaready na lahat ng lulutuin ko sa papel pareho sa ginawa nya sa camping. Nakainis na! Pagkatapos ng pasko magiging busy na kami kase may thesis pa. "Kain nalang tayo sa labas bukas please wag ka na umalis. Natatakot ako. Baka may—"
"May lalaki ako. Baka iwan kita?" Putol nya sa sinasabi ko. Tumango lang ako kahit nakatalikod sya sakin at di nya ako nakikita. "Predictions again?" Di na ako nakasagot sa tanong nya. Narinig ko ang malalim nyang buntong hininga "Matulog ka na. Sasama ka mamaya."
Nagising ako bandang ala sais ng umaga. Naabutan ko si Heartmir na nasa mesa at may tinitipa sa laptop nya.
Sumilip ako. "Orion the hunter. Teka! Ako yan ah!" Turo ko sa blue-ish white na tuldok sa screen. Na may nakalagay na Rigel.
"Rigel. Timplahan mo ako ng kape." Biglang salita nya habang di tinatanggal ang mata sa screen ng laptop.
"Ha?" Nagulat ako sa sinabi nya. Parang anlambing "Oo! Sige!" Hinalikan ko sya sa pisnge sa tuwa. Ang sarap sa tenga ng pagkakasabi nya. Grabe!
Binalikan ko sya ng tingin nung naalala ko yung ginawa kong pagnakaw ng halik sa pisnge nya. Kumukunot ang noo nya pero nakatutok parin sa laptop. Di naman sya nagreklamo kaya okay lang yan. Hahahah.
Nilapag ko ang kape sa gilid nya "Kape mo, my Heart. Kumain ka na?" Tanong ko kahit alam ko naming di pa sya kumakai. Di nya ako sinagot. "Mukhang hindi pa. Maghahanda ako ha."
"No. I'll do it." Sabay tiklop nya ng laptop.
Gusto nya bang pinagsisilbihan ako? Nag luluto sya. Nagpaplantsa. Nagwawalis. Nagtutupi ng damit. Nilabhan nya pa kagabi bago umalis papuntang trabaho ang mga uniform namin. Nagulat nga ako na ginawa nya yun kase magpapalaba naman kami tuwing linggo sa laundry shop sa baba ng condo. May balak pala syang gawin sa linggo kaya nilabhan nya nalang agad. Sipag naman ng Misis ko. Nakakainlove. Bakit kaya sya pumayag na magpakasal sakin? Palaisipan parin yan hanggang ngayon.
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?