North Rigel Dela Vega
"Ma! Bat kayo nandito?" Gulat kong sigaw pagbukas ko ng pinto. Sila mama at papa agad ang bumungad sakin.
"Bawal na ba kaming bumisita?" Tanong ni Mama na karga si Polaris.
"Kuyaaaa!" Sabay hug sakin ng kambal.
"Nasaan ang Misis mo?" Tanong ni Papa.
"A-ano kase.." tangina kase Heartmir. Isang linggo ka nang sobrang alas tres ng madaling araw. Anong sasabihin ko "Pumasok po muna kayo."
"May dala kaming ulam. Nasa kusina ba si Heartmir?" Tanong ni Mama sabay abot kay Papa ni Polaris at kuha sa paper bag na hawak ni Papa.
"Ma!" Dirediretso kase sa kusina "Nasan ang asawa mo?!"
"Wala po sya jan!"
"Natutulog ba? May ulam pala dun. Dagdag na natin to. Tawagin mo na at kakain na tayo." Sabay bukas nya ng ref "May buko salad kaming dala papalamigin ko muna." Napansin ni Mama na naghahabulan ang kambal "Pollux! Castor! Doctors don't behave like that."
"Tawagin mo na ang Misis mo." Sarap naman pakinggan ng Misis. Ay. Nawawala ako sa concentration. Kailangan ko pala mag isip ng palusot.
"Wala po sya dito."
"Nasan sya?" Tanong ni Mama. "Kung wala sya, sinong nagluto?"
"Sya naman po nagluto nyan." Think fast Rigel "M-may meeting sa university."
"Meeting? Sembreak ngayon. Alas syete na ng gabi." Tanong ni Papa "Anong meeting yan."
"Alam mo naman po yan. Sobrang talino. Kailangan ng pilipinas."
"Oh sya. Kumain na tayo. Maghahanda lang ako." Napansin ulit nyang nag wrewrestling ang kambal sa couch "Utang na loob Pollux! Castor! This is your Kuya's house. Wala kayo sa bahay."
"Kuya's a family! Kaya bahay rin natin to."
"Enough, boys. We don't want Mama angry. Nagkakasungay yan." Saway ko. Tumawa lang si Papa.
Nagsimula kaming kumain nung nagsalita si Papa "Kamusta kayong dalawa dito? Di mo ba pinapasakit ang ulo ng Misis mo?" Oh music to ears.
"Ewan ko Pa. Di naman nagsasalita yun."
"Baka naman di sya kumportable sayo."
"Baka nga Pa. Pero magkatabi naman po kaming matulog. Ginigising nya rin ako para mag agahan. Nagluluto ng agahan, lunch at dinner. Sweet naman na po yun para sakin."
Pumalakpak si Mama "Napakamaalaga naman ni Heartmir! Parang housewife na talaga. Ibabalita ko to kay Lavheart."
"Maalaga pero di nagsasalita." dagdag ni Papa.
-
"Bat ngayon ka lang. Lagpas alas tres na ng madaling araw." Bungad ko agad kay Heartmir na kakadating lang.
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?