5

17 5 0
                                    

North Rigel Dela Vega


"May girlfriend na ba tong si Rigel?" tanong ni Tito Bladimir.


"Opo."


"North Rigel? Bat di ko alam yan?" tanong ni Mama.


"Oh? Sinong Girlfriend mo, Tol?" manghang tanong ni Lavmir.


"Si Heartmir."


"Weh?" natatawang tanong ni Papa.


Dun ko narealize yung sagot ko. Tinignan ko si Heartmir na busy parin sa pagkain. Walang pakialam.


Siniko ni Lavmir ang kakambal nya "Huy, Twinmir! Girlfriend ka raw nya."


Tinignan lang sya ni Heartmir at bumalik sa pagkain. Tangina?


"Haha. Joke lang. Wala akong girlfriend." Awkward kong sagot. Katangahan mo talaga Rigel. Nakakahiya. Nasanay ako sa school na pag may nagtatanong kung taken ako, sagot ko GF ko si Heartmir. Syempre gwapo ako kaya maraming nagtatanong. Magkakamali ka na nga lang, sa harap pa ni Heartmir!


"What if.." nakangising sabi ni Tita Lavheart "Venus! Ituloy nalang kaya natin yung plano?" tili nya.


Parang nagets naman ni Mama kaya tumili rin sya.


Wow? Nag angat ng tingin si Heartmir. Naging interesado?


"Balae!" sigaw nilang pareho.


"Okay lang sayo anak?" tanong ni Tito Bladimir sa nakatingin na si Heartmir.


Bumalik lang sya sa pagkain at di pinansin ang tanong ni Tito.


"Wag nyo ngang binibiro si Rigel. Baka maniwala." Sabat naman ng tumatawang si Lavmir.

-

6:40am palang dito na ako sa front gate ng school. Lunes ngayon. 7:30am magkaklase ni Heartmir. Student teacher sya ngayong unang sem kaya maaga na lagi ang pasok nya. 9 naman klase ko kaya maganda kung aabangan ko sya dito. Para maganda naman ang pasok ng linggo nya.


"Huy! Tambayan na ang front gate? Nasan sasakyan mo?" tanong ni Vent na may hawak na tinapay.


"Nasa parking lot na. Hinihintay ko si Fiancée." Proud kong sabi.


"Oh? Nakalimutan mo na si GF?"


"Syempre. Di naman pwedeng girlfriend ko lang sya forever. Level up na ngayon."


"Tangina?" tumawa sya at kumagat sa tinapay na hawak nya "Gutom lang yan. Bumili kang tinapay dun sa may kanto. Mura lang. Baka naman mabulunan kat magising ka jan sa panaginip mo. Bye." At naglakad na papasok.


"Ggo talaga."


Mayamaya narinig ko na ang boses ni Lavmir.


"Basta akin na yung flowers at chocolates mo haaaaa. Tinatamad akong gumasto at para mapakinabangan naman yang mga regalo mo. Tutal wala ka namang paki." Lavmir.


"Babaero." Bulong ko. Pero kunsabagay, tama naman sya. Balita ko, ni isa walang inuwi o kinain si Heartmir sa lahat ng regaling natatanggap nya.


"Thank you talaga Twinmir for saving my money. Hahaha." Napansin naman ako ni Lavmir "Oh, Tol. May hinihintay ka? Si Heartmir ba?"


"Oo! Heartmir, hatid na kita sa room mo." Hahawakan ko na sana ang bag at mga cartolina kaso tinignan nya ako. Lamig naman? Sweet sweet ko sayo tapos ganyan ka.


"Tol, sa kabila ako. Ingat ka kay Heartmir."


Pagkaalis ni Lavmir, nagpatuloy sa paglalakad si Heartmir papunta sa lounge nila. Syempre ako nakabuntont. Feeling fiancée na talaga ako. Best in bantay sa mga pasulyap sulyap na mga lalaki.


May mga nakasalubong kaming grupo ng nursing students na grabe ang tingin kay Heartmir. Aba! Porket nakaputi kayo? Pinakitaan ko nga ng kamao. "Abat!" pinakitaan din ako ng kamao! Mga hambog na mga tanginang to!


Napansin kong tumigil sa palalakad si Heartmir at nakatingin sakin. Ano? Bilib ka sakin? Hahaha. Tumikhim muna ako para macho bago magsalita "Busy ka talaga no? Dami mong dala."


Iba talaga pag student teacher. Minsan laptop lang ang dala nya. Minsan cartolina. "Pinapasakit ba ng mga bata ang ulo mo?" balita ko kase Grade 10 yung pinaka malala ang ugali dito sa school naming.


"Ikaw ang nagpapasakit ng ulo ko."


Ay? Grabe naman? Inaano ko ba sya? Hala! Kinausap nya ako. Four words bay un? Five? Six? Basta kinausap nya ko.


"Sweet mo naman." Hahawakan ko sana ang braso nya kaso tinignan nya ako. Syempre, back off na.


"Si Heartmir! Maraming dala!!" sigaw ng isang lalaki.


May lumabas na tatlong lalaki na tumatakbong palapit samin. Fan boys nya to? Teachers ba talaga sila?


"Tulungan ka na namin." Sabay kuha nila sa mga gamit ni Heartmir.


"HUY! Bat di ka nagreklamo!" pero di sya sumagot "Kaya ko naman yun!"


Di nya ako ulit sinagot at dirediretsong naglakad papasok ng lounge nila. Tangina. Sobrang sweet talaga. Kainis.


Loving Heartmir Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon