North Rigel Dela Vega
"Pre, may practice daw tayo mamayang basketball sabi ni Dad--- a Coach pala. Wala sa Friday. Pahinga raw. Last practice bukas." Bulong ni Leigh pag upo nya sa tabi ko.
"Paki sabi nalang na may family dinner kami. Di ako makakapunta. Bawi ako bukas." Pagkatapos ng klase mamaya papagupit pa ako at bibili ng sunflower ni Heartmir.
"Ikaw nalang nagpaalam dun Pre. Baka mainit na naman ang ulo. Kaninang umaga lang eh nasigawan ako eh."
"Ano bang sched ni coach?"
"Di ko alam, puntahan mo nalang sa office nya sa gym mamaya pagkatapos ng klase."
-
"Mine!" Boses palang alam ko na kung sino. Bat kase mine sya nang mine sa bola tapos hahampasin nya rin palayo. Gulo rin ng mga babae.
3pm na pala. Tapos na ang mga klase nya kaya pala nandito sya. Sa lunes na ang intramurals todo practice na ang lahat. Kahit di naman magractice yang si Heartmir, kayang kaya nya naman.
"Rigel, yung bola!" Rinig kong sigaw ng mga tao sa paligid.
Pagtingin ko sa harapan may papalapit nang bola sa mukha ko. Bola? Bola!
Napapikit nalang ako at hinintay ang pagtama nito sa ulo ko ngunit walang tumama.
Pagdilat ko bumungad sakin ang isang napakalamig na titig ni Heartmir. Kaya napaupo ako sa sahig. Heartmir? Si Heartmir nasa harap ko!
"Stupid." Yan lang ang sinabi nya saka tumalikod at pumuntang bleacher. Minsan na nga lang magsalita, napakaharsh pa. Pero pangaltong beses na nya akong kinausap. Hahaha. Usap ba yun?
Tinulungan akong tumayo ng mga kalaro ni Heartmir "Rigel, right?" Tumango lang ako "Ano ba kaseng ginagawa mo sa gitna ng volleyball court? Buti nalang mabilis sa pagtapik si Heartmir." Natulala ako. Si Heartmir pala nagligtas sa mukha ko.
"Sayang yang gwapo mong mukha." Gumalaw lang ako nung pinapaplos na ang mukha ko ng babae nagsalita "Sorry ha. Gusto ko kaseng tamaan ka sakin kaya pinapunta ko sayo ang bola." Sabay sabay silang nagtawan.
"Coach John!" Pagbabaliwala ko sa tawanan nila kase nakita kong naglalakad si coach.
-
"Good evening po Tita." Sabay beso ko sakanila ni Mama.
Nasa dining table silang dalawa nag uusap nang dumating ako.
Maya maya lumabas naman mula sa kusina sila Papa at Tito Bladimir. Dala ni Papa ang tray na may lamang roasted chicken at si Tito naman eh nagtatangal ng apron.
"Rigel nandito ka na pala. Wala pa ang fiancée mo." Nagsalita si Tito pagkapansin nyang nandito na ako.
"Fiancée!" Tili nila Mama at Tita Lavheart. Hay nako. Napakahyper.
"Sarap pakinggan." Rinig kong bulong ni Tita.
"Mas masarap pag asawa na."
Nagbulungan lang ang dalawa hanggang sa may narinig kaming ugong ng kotse sa labas.
"Mukhang nariyan na ang kambal at si Andromeda." Sabay tayo ni Tita at sinamahan naman sya ni Mama palabas.
Magbestfriend nga talaga ang dalawa. Pareho ang takbo ng utak. Parehong di nauubusan ng energy.
Naunang pumasok si Heartmir. Nakasuot pag volleyball na jersey shorts, t shirt at rubber shoes. Bitbit nya ang bola ng volleyball. Sexy.
"Diba sabi ko diretso kang umuwi pagkatapos ng klase? Bat nagpractice ka pa." Sermon ni Tita na kasunod pumasok ni Heartmir. Sa likod naman si Mama at si Lavmir na nakaakbay sa nakayukong si Andromeda.
Di nya ako tinignan. Diretso lang syang umupo sa dining table sa harap ko.
"Heartmir! Magbihis ka. Nakakahiya sa fiancée mo." Sigaw ni Tita.
"I'm tired."
Natauhan ako nung nagsalita na sya. Tumayo ako at kinuha na ang bulaklak sa sala.
"Heartmir." Bulong ko. Literal na nagiginginig ang tuhod ko. Baka kase itapon nya or iignore nya. Ayokong masaktan. Tangina. Stop. Para kang bakla.
Tumingin sya sakin at kinuha ang hawak ko. Natulala ako. Wala syang ibang sinabi pero tinanggap nya. Tinanggap nya. Tangina.
"Next week. Saturday will be your wedding." Anunsyo ni Tito Bladimir.
Ngumiti ako at tiningnan ang reaksyon ni Heartmir ngunit nabigo lang ako. Walang anomang bahid ng emosyon sa mukha nya. Patuloy lang syang kumakain ngunit laking gulat ko nung inangat nya ang kanyang tingin sakin. Sa gulat ko ay nabitawan ko ang kutsara at tinidor kaya nakuha ko ang atensyon ng mga tao.
"Rigel. Are you okay?" Alalang tanong ni Mama.
"I'm fine Ma." Hinawakan ko ulit ang mga kubyertos.
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Bat kase ganito. Kabadong kabado ako. Di ko rin alam kung anong nasa isip ni Heartmir.
"I will be busy on Saturday. Make it Friday." Sagot nya.
Talaga Heartmir? Gusto mo talaga akong pakasalan?
"Okay na yung wedding planner nyo. Pareho lang sa wedding planner nina Lavmir at Mida." Halos napunit na ang labi ni Mama sa sobrang lapad ng ngiti "Bukas ko na sya kausapin. May isusuggest ba kayo? Kung wala, kami nalang ni Lavheart ang magpaplano." Tumingin si Mama sakin.
"Kung anong gusto ni Heartmir." Pasimpleng sagot ko. Di na ako nagtangkang tumingin ulit kay Heartmir. Wala naman kase akong makukuha.
"I want a yellow theme. I love sunflowers." Biglang nagsalita si Heartmir kaya di ko napigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya. Napadiretso ako ng upo kase nakatingin na pala sya sakin. Tangina. Lamig lamig naman. Walang pagmamahal? Kahit slight lang?
"I will tell that to the planner." Pumalakpak si Mama "I know Janine can do that."
"I want it simple." Mahinang sabi ni Heartmir. Sapat lang para marinig ng lahat.
"We'll also tell that to Janine." Nagtinginan sila Mama at Tita. I can sense something. Pakiramdam ko di magiging simple ang mangyayari. Ngiti palang ng magbestfriend.
"The invitation will be okay this Monday. Give me the list of the people you want to invite. I hope it will be completed by tomorrow." Nangiting tumingin si Tita Lavheart sakin.
"Buong section namin yung iiinvite ko." Sagot ko. Nakakahiya naman kung tatlong kabarkada ko lang "Pati ang basketball team."
Tumango si Tita Lavheart "Ikaw anak? Are you also planning to invite your team and your classmates?"
"I'm not going to invite anyone."
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?