North Rigel Dela Vega
"San tayo?" Tanong ko sa kanya.
Di sya sumagot. Nakatangin lang sya sa harap.
Anong iniisip mo? Sobrang lalim naman ata nyan. Sana malaman ko rin.
"Di ako ganun katalino pero nakakaintindi ako. You can talk to me about...hmm.. everything."
"Just drive."
Nakaramdam ako ng konsensya. Tinali ko sya sakin. Mukhang di sya masaya.
Alam kong malayo na kami kaya napagpasyahan kong tumigil sa isang children's park. Di naman sya kumibo. Sana naman magsalita sya para alam ko kung okay ba sa kanya.
"Baba tayo?" aya ko sa kanya. Agad naman syang bumaba ng kotse at naglakad diretso sa swing.
Umupo naman sya. Tumingin sa kawalan habang nakahawak sa tali ng swing.
I checked my phone. Daming missed calls galing kina mama, mommy at mga kaibigan ko. Kamusta na kaya ang reception?
"Itetext ko sila ha. Baka nag aalala na sila." Paalam ko. Huy! Magsalita ka naman ko. Nakokonsensya ako.
Magtatype palang sana ako kaso tumawag na si Mama.
"Nagtanan na ba kayo? Di na kailangan. Kasal naman kayo. Pumunta na kayong reception!" Sunod sunod na sabi ni Mama.
"Mukhang ayaw ni Heartmir jan. Kayo na po bahala sa mga bisita. Okay kami."
"Nasa condo na ba kayo? Should we expect for a grandchild already?" This time si Mommy na ang nagsalita.
"Hindi pa po. Wala naman po kami sa condo."
Isang minutong hagikhik nila Mama at Mommy ang narinig ko sa kabilang linya "Hindi ba kayo aattend ng reception?" Tanong ulit ni Mommy.
"Mukhang ayaw nya po. Lets see nalang."
"Sige enjoy kayo." Tapos binaba na nila ang tawag.
"Gusto kong malaman ang iniisip mo."
Bumuntong hininga sya. Okay. Makukuntento na ako sa sagot mo.
-
Pababa na ang araw. Naubos na ang mga batang naglalaro. Dami sigurong nawirduhan samin kase naka wedding gown sya ako naka tux pa.
Bagay na bagay sa kanya ang sikat ng palubog na araw. Mas lalong nagiging glowing ang morena nyang balat. Una nyang tapak sa pilipinas, maputi pa sya. Ngayon, pinoy na pinoy na ang kulay nya. Nagsimula syang maging tan nung 2nd year college kami. Di ko alam kung anong ginagawa nya kaya naging ganyang ang balat nya.
Tumutunog na ang tiyan ko. Gutom na. Last kain ko 9am. Sobrang 5pm na. Sobrang dalawang oras na kaming nandito. Di pa ba nauubos ang iniisip nya?
"San mo gustong maghapunan?" Di naman ako nag expect ng sagot "Mall tayo?"
Tumayo naman sya at dumiretso sa sasakyan kaya inunahan ko sya para pagbuksan ng pinto.
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?