14

29 3 0
                                    

North Rigel Dela Vega





"Hi, My Heart." Bati ko sa asawa kong busy-ng busy sa ginagawa nya. Ganda parin kahit nakapangwelding na glasses oh. "Yayayain sana kitang sumabay sakin mag lunch." Napansin kong tinigil ng nerds ang ginagawa nila. Nandito kase kami ngayon sa physics lab. Dito ko raw makikita si Heartmir sabi ng classmates nya kaya ako nandito ngayon. "Uy! Astig." Reaksyon ko pagkakita sa parang solar system na umiikot sa gilid ni Hea- "Ahh!" Napasigaw ako sa gulat. "Tangina. Bat may kuryente."








"Universal charger yan. Gawa ni Heartmir kaya may kuryente talaga." Sagot mg isang nerd "Subukan mong ipatong ang kahit anong gadget. Kahit battery pa. Magchacharge jan. Magaling talaga si Heartmir." Aba! Fanboy na fanboy oh. Kulang nalang yakapin ang asawa ko.








"Oo. Magaling talaga si Heartmir Lin Dela Vega. Asawa ko yan eh." Sabi ko na may diin sa bawat salita "Bat kase mukhang solar system."







"You don't touch everything you see if you're inside Physics lab. Get out." Maotoridad na utos ni Heartmir.






"Grabe ka naman! Sama ka sakin lunch?"






"Ayoko. Labas."








"Ayoko rin." Pagmamatigas ko at saka nakiupo na sa gilid nya. Mag iingat na ko ngayon kase ayokong makuryete. Ayoko namang mag alala si Heartmir.





Ilang sandali lang ay tumayo na si Heartmir para maghubad ng lab gown nya. "Lunch na tayo?"






Wala akong natanggap na sagot pero nagpatuloy lang sya sa pag labas sa lab. Uyy. Sasama sya sakin.






Hinila ko ang braso nya nung pumasok sya sa library "Huy. Bat jan ka? Akala ko kakain tayo!"






"Nakakain na ko." Saka tinanggal ang kamay ko sa braso nya at nagpatuloy sa pagpasok.

-





"Nasan ang asawa mo?" Tanong ni Vent.






"Nasa library. Nakakain na raw."






"Luh? Kulang pa ba ang talino nya?" Sabay subo sa ulam nya.






"Di yun kagaya mo na kuntento na sa talino. Baka balak nyang mag ka 500 na IQ. May ganun ba?" Sabat naman ni Hector.






"Pare nandun Misis mo sa library. Tulog. Daming nagpipicture. Baka makidnap ng fanboys nya." Balita ng kakarating na si Leigh na may hawak na kapeng galing sa free taste malapit sa university library.






Tumayo ako agad at mabilis na tumakbo papunta sa library. Narinig ko pang sumigaw si Vent na sa kanya nalang ang ulam ko kaya bumalik ako at sinarado ang lunch box sign na bawal kainin.






Pagpasok ko sa library kaso wala sya dun, baka nakidnap na ang asawa ko! Agad naman akong lumabas —"Ahh!" Napasigaw ako sa init dulot ng kapeng natapon sa dibdib ko.





"Ano ba! Di ka ba tumitingin? Natapon ang kape ko! Kailangan kong pumila ulit para makuha nyan! Bayaran mo yan! Pilahan mo ako ulit." Reklamo ng lalaki. Ako na nga ang natapunan sya pa tong galit. Bat kasalan ko? Eh ako ngang nasaktan dito.






Dumating si Heartmir na may dalang kape galing sa free taste "Take this." Pag offer ng kape sa lalaki. Napakaswerte naman ng bwisit na to!







Loving Heartmir Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon