15

19 4 0
                                    

North Rigel Dela Vega




"Heartmir!" Sigaw ko kase biglang kinuha ni Heartmir ang maleta nya at nagsimulang magtanggal mg damit mula sa closet namin at pinatong ang mga ito sa kama habang may ginagawa ako sa laptop "Lalayasan mo na ako?" Mukhang hindi naman sya galit pero bat nya ginagawa to. Di na ko nakatiis at tumayo na ako "Galit ka ba sakin?" Hahawakan ko sana sya kaso binigyan nya ako ng nakakatusok na tingin kaya di ko na tinuloy "Minsan kailangan mo ring magsalita."


Di nya rin ako natiis. Nagsalita na sya. "I'll be out for three days."





"San ka pupunta?"





"Camping." Simpleng sagot nya tapos pumunta syang banyo para kumuha ng ilang gamit nya.








"San?" Syempre di sya sumagot. Mahal ako nyan eh. Kita nyo sobrang sweet.





Wala akong magawa kundi pagmasdan nalang sya habang nag eempake. Kung di ko alam na may camping sya malamang nagdrama na ako dito. Buti nalang sumagot. Hay. Kase naman. Paano nalang kung marealize ni Heartmir na hindi pala ako o ayaw nya na sakin o di nya talaga ako kayang magustuhan at may nakita syang mas magugustuhan nya kesa sakin? Ano nalang gagawin ko. Baka mag wild ako. Siguro luluhod ako at pipilitin sya.







"Seryoso bang may camping ka?" Baka kase excuse lang nya. Pero kailan nga ba ako niloko ni Heartmir? Sa mga konteng beses nyang pagsasalita, never syang nagsinungaling.





Pero paano nga kung nasa camping sya tapos may gwapo. Mas gwapo kesa sakin, mas macho, mabait, maalaga, hindi sakit sa ulo? Tangina Rigel. Tama na nga yan. Kaya mo naman daw sila lamangan diba? Sabi pa nga yan ni Heartmir.





Ginising ako ni Heartmir para mag agahan. Nagpagising din ako kase nagpresenta akong mag hahatid sa kanya. 5am palang. Anong oras kaya ang alis nya. "Mamimiss mo ba ako?" Tanong ko sa kanya sa gitna ng pagkain namin pero syempre di naman ako nag expect ng sagot.







Naglilinis na kami ng mesa nung narinig kong tumunog ang cellphone ko. Aga naman ni Vent magtext.





Pre, sali raw si Charie sa thesis group natin.





Napansin ko namang nakibasa si Heartmir sa cellphone ko. "Uyy. Gustong malaman kung may babae ako." Di naman sya natinang sa pang aasar ko. Nanatili syang nakatingin sa cellphone ko.





Napangiti ako. Chismosa ng Misis ko. Pinadausdos ko ang kamay ko sa bewang nya para mahila sya palapit sakin para rin makita nyang mas malapit ang reply ko.





Babae yan eh. Magagalit ang asawa ko.





Ewan ko kung dahil ba sa reply ko kaya nya tinanggal ang pagkakapulupot ng kamay ko sa bewang nya o baka ayaw nya talagang nakapulupot ang kamay ko sa bewang nya. Kung ano man dun sa dalawa, si Heartmir lang ang nakakaalam. Hahaha.





Busy ako sa pagpupunas ng mesa nung nagreply si Vent.





Ulol. Wala syang pakialam jan. Feeling masyado.





Grabe naman! May pakialam kaya sya.





Biglang sumulpot ang boses ni Heartmir mula sa likuran ko "Your friend's response was savage." At agad nya akong tinalikuran. Nakakahiya! Patay ka sakin mamaya Vent. Magkita tayo sa classroom!




Loving Heartmir Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon