18

6 1 0
                                    

Chapter 18



North Rigel Dela Vega



Nagsiuwian ang mga tao sa kanikanilang bahay pagkatapos nilang magligpit ng mga gamit.



"Ma'am, mauna na po kami ha. Tawagin nyo nalang kami kapag may kailangan kayo." Paalam ni Silang.



Tumango lang si Heartmir kaya ako na ang sumagot. "Goodnight po."



Saakin naman sya bumaling. "Goodnight din sa inyo ni Sir."



Ngumiti ako "Ako na pong bahala kay Ma'am nyo. Matulog po kayo ng mahimbing."



Nakangiting tumango naman si Silang at umalis na.



"Ma'am, Sir. Aalis po muna kami ha." Paalam ni Piko, nasa likod nya ang grupo ng kalalakihan na may mga hawak na flashlight at pana.



"San kayo pupunta?" Tanong ko.



"Sa ilog, Sir. Manghuhuli ng igat. Dalawa lang nahuli namin kanina. Kailangang madagdagan po."



Pagkaalis nila, binalingan ko ng tingin ang asawa ko na tahimik na pinagmamasdan ang mga palayong mga lalaki.



"Heartmir, san tayo matutulog?"



"May bahay ako rito." Sagot nya saka umupo upuang kahoy. Umupo rin ako sa tabi nya.



Walang nagsalita sa aming dalawa. Napakatahimik ng paligid. Kulisap lang ba ang pwedeng mag ingay dito?



Kung san san na naman napadpad ang utak ko kaya nagulat ako sa bigla nyang pagsasalita. "A day before we met, nakilala ko na si Lino." Magkukwento ba sya? Buong araw na syang nagsasalita. Di ba sya napapagod?


Pero ilang minuto rin akong naghintay kaso walang sumunod na mga salita. Di nya ba itutuloy?



"Magsalita ka pa. Please. Masaya ako pag nariring kitang nagsasalita." Abusado na ba ako?



Isang mahabang paghugot ng hininga bago sya magsalita ulit. Parang pinag isipan nyang mabuti kung tama bang magsalita sya. "Sige. Magkukwento ako." Tumayo sya muna at may kinuha sa bag. Kumot. Girlscout talaga Misis ko. Handang handa.

Loving Heartmir Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon