North Rigel Dela Vega
"Rigel." Tawag ni mama na kasalukuyang nagtutupi ng mga damit kasama si Maya "Ikakasal sa Sabado si Lavmir."
"Kanino?"
"Kay Andromeda. Anak ni Tita Nova mo."
"Yung may makapal na glasses na parang manang pumorma?" gulat kong tanong. Yung si Andromeda talaga yung mukhang nerd pero mahina ang utak. Highschool classmate ko sya kaya alam ko kung gaano ka hina yan.
"Grabe naman tong si Rigel magdescribe. Well, oo. Sya nga."
"Imposible Mama! Babaero si Lavmir. Alam nya bang ikakasal sya?" kahapon lang sya humingi ng ireregalo sa babae nya kay Lavmir tapos ikakasal na pala sya.
"Oo naman. Di naman sya tumanggi." Sinenyasan nya si Maya na dalhin na ang mga natuping damit "Your Tita Lavheart is a fan of arrange marriage. College kami nung kinasal sila ni Bladimir na notorious playboy para sa merging ng business nila. I can still remember how hard she cried pero wala syang magawa. Nagkasundo na ang mga magulang nila. Bladimir hated her pero syempre ayaw naman ni Lavheart na magfail yung marriage nila kaya di nya sinukuhan si Bladimir. Years pa bago natauhan yang si Bladimir kung di pa sya nakatikim ng suntok mula kay Papa mo, di yan magigising."
"Manang mana pala si Lavmir kay Tito."
"Kaya naniniwala ang Tita mo na mapapatino ni Mida si Lavmir. Baka mamatay na raw sya ng maaga sa kunsumisyon kung di sya aaksyon. Nanganak raw sya ng dalawang abnormal na bata. Di nya alam kung may mali sa matres nya." Tumawa si Mama "Kaya ikaw, next next week na kayo ikakasal ni Heartmir. Mukhang walang emosyon sa sistema nun. Baka mabigyan mo naman."
Napatayo ako sa gulat "Ano Ma! Seryoso ka!"
"Lakas ng boses mo Rigel." Saway ni Mama "Yes. Para may mapangasawa na si Heartmir. Candidate for matandang dalaga na raw yun." Ginulo nya ang buhok ko "Wag na aarte, pumayag na si Heartmir."
"P-pano? Umoo ba sya? Tumango? Anong sabi?"
"Tumango lang sya nung kinausap sya ni Tita Lavheart mo. Tango means yes. Alam mo naman yang si Heartmir." Talaga? "Umoo ka na ha! Wag kang maarte. Hahaha. Tatawagan ko na si Lavheart. Alam kong gusto mo naman." Excited pa nyang sabi tapos pumapalakpak syang pumunta sa kusina.
-
Lutang na lutang akong pumasok sa school. Pinarking ko ang sasakyan ko at mga ten minutes na akong nakatambay dito sa loob. Tangina. Nanaginip ba ako kanina? Teka tatawagan ko nalang si Mama.
Nakakilang ring palang eh sinagot nya na.
"Yes?" Tunog excited ang boses ni Mama.
"Ma. Ikakasal ba talaga ako?"
"Naalog ba ulo mo? Oo nga." Narinig ko na may sumigaw sa kabilang linya.
"Oh sige na Nandito na si Shina mag luluto na kami." Then she dropped the call.
Bumaba akong sasakyan at naglakad papunta sa bench malapit sa gate. Di klaro ang nararamdaman ko. Excited na kinakabahan na di ko na alam. Gusto ba ako ni Heartmir?
"6:49." Bulong ko.
Nakita kong tumatakbo papasok si Andromeda. Maya maya ay natanaw ko na ang kambal.
Nakatingin lang si Lavmir sa tumatakbong si Andromeda at si Heartmir naman suot na naman ang normal nyang mukha at.. tumingin sakin. Tanginang tingin yan.
"That girl is really weird. Pero alam mo Twinmir, magaling syang magluto. Sya daw nagluto sa ulam kagabi. Ayos to. Wala na akong problema pag lumipat na kaming bahay pagkatapos ng kasal sa sabado."
Di manlang sya tinapunan ng tingin ni Heartmir na binalik lang ang tingin sa daan.
"Oh. Tol! Punta ka sa bahay mamaya?" Sigaw ni Lavmir nung napansin nya ako.
"Ha? Walang sinabi si Mama." Nahihiyang sagot ko.
"Dala kang sunflower. Favorite yan ng fiancée mo." Napansin nga sigurong wala na sa tabi nya si Heartmir. "Teka Twinmir! Hintay! See you mamaya Brother-in-law. Hahah." Sabay takbo nya patungo sa kakambal nyang walang pakialam.
Binuksan ko ang cellphone ko. Nagtext pala si Mama.
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?