16

26 2 0
                                    

North Rigel Dela Vega







"Bat ka umuwi kagabi? Diba hanggang ngayon pa kayo dun?" Tanong ko sa gitna ng almusal. Di nya ako kinibo kaya inasar ko sya "Uyy. Namiss agad ako."





"I just don't like leaving you here alone for a long time."





See? Miss ako. "Yyiee. Love akooo." Patuloy ko sa pang aasar.





"Can you see how ugly the mess you did here?" Naglibot ako ng paningin. Tangina? Oo nga no. Ang dumi ng condo. Wala akong gana maglinis eh. Naglilinis lang naman ako para magpasikat hay Heartmir. Pero nakaluto naman ako. Okay na kaya yun! Progress yun para sakin na madalas nasa palda lang ng nanay at asawa kumakapit "I can imagine you turning this place into a garbage dump. I don't want that to happen."





Grabe sya. Pero tama nga naman sya. Nakakawalang gana kaseng gumalaw pag wala sya dito kaya di ko naayos. Kwarto nga namin, nagkalat ang kinainan kong chichirya nung nag movie ako nung friday tapos may pa beer pa ako. I look like a broken guy that night. Hays. Kasalanan ko bang di ako mapakali kaya nagmovie nalang ako. Kung wala akong paglilibangan, baka sumunod na ko sa Batangas.



Walang nagsasalita. Tv lang. Ganito kami kung sunday. Nakaupo sya sa gilid ng couch walang humpay ang pagtatype o kaya ay nagbabasa. Nagpasya akong mas lakasan ang volume ng Tv baka magalit sya at punahin nya ako. Bored na bored ako dito. Di uso ang sunday is cuddle day sa kanya. Kainis.





Kaso kahit nakamaximum na ang volume ng lintek naming tv na may horror na palabas, di manlang tumingin sakin.





"Wala manlang tingin jan?" Parinig ko "May gwapo ba jan sa laptop mo?"








Nakaroon ako ng super grabeng super na bright idea. Umabot na ako sa point na kahit mainis lang sakin si Heartmir, okay na ako basta may mafeel sya. Magkaroon manlang ng konteng iba sa emosyon nya.





Kumuha ako ng chichirya sa mga pinamili ko kahapon at kumain habang nanood ng Tv. Actually, pampawala lang ng super silent air ang ingay ng Tv. Kain lang ako ng kain pero may mga hinuhulog ako sa sahig tapos sabay react para makita ni Heartmir. I know she hates mess. Pagmakita nya to, tatanggalin nya ang mata nya sa laptop at lilinisin. Bonus nalang kung papagalitan nya ako. Teka? Di naman sya nagagalit. Hays. Try lang.







"Ay sobrang kalat!" Malakas kong sabi para marinig nya.





Tiniklop nya ang laptop kaya agad akong napangisi. Talino ko talaga. Time for sunday cuddle with husband while watching movie na ba to? Pero agad akong nabigo. Tangina! Iniwan ako at pumasok ng kwarto at nag lock! Abat!!





Gusto kong magwala dito kaso wala naman syang pakialam! Nakakainis.







Malapit na ang lunch nung napagdesisyunan kong puntahan na sa kwarto si Heartmir. Syempre may susi naman ako pero mukhang ayaw na ayaw talaga akong pansinin kaya hinayaan ko nalang.





Pagpasok ko ng kwarto nakita ko agad syang nahiga sa kama katabi ang cellphone nya. Ooh my wife is sleeping. Napakaamo naman. Syempre dahil marupok ako tumambay muna ako kwarto at nagmuni muni habang nakatingin sa kanya.







Her asian-spanish face is really perfect. May hawig kay Mom pero more on Dad. Manipis na labi. Napakatangos na ilong. Malinis na pagkakakorte ng kilay. Blooming na blooming kahit walang make up. Siguro dahil din sa vitamins at nahilig uminom ng tubig. Ni isang bakas ng tigyawat, wala. Grabe. May ganito talaga kaperfect na tao.





Loving Heartmir Dela VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon