North Rigel Dela Vega"Anong kukunin mong kurso, Rigel? April na at di ka parin nakakapagdecide." Tanong ni Papa habang nagdidinner kami.
"Deimos." Malambing na saway ni Mama "Hon. Pinipressure mo na naman ang bata."
"Business Ad nalang Pa. Since ako naman ang maghandle ng kompanya natin kung magaling na ko."
"Great!" halos pumalakpak si Papa "Great choice, Rigel."
"Rigel, di naming pinipilit na ipahawak sayo ang kompanya. Pumili ka ng gusto mo talaga." paalala ni Mama.
"Gusto ko talaga, Ma." Sagot ko.
My father is a lawyer pero hawak nya rin ang kompanya ni Lolo. Naisip ko na mas maganda na Business kukunin ko para mas lumawak kaalaman ko. Di ako sobrang talino gaya ni Papa. Lalo na ngayon na kami ang nangunguna na sa produksyon ng kape at gatas sa buong Pilipinas. Paakyat narin ang iba pang produkto ng kompanya naming kaya mas lalong naging busy si Papa. Bilib ako kay Papa kase di nya parin mabitawan ang paggiging Attorney nya at patuloy paring tumatanggap ng mga kaso.
"Magdododoctor ako Pa. Ha?" masayang sumingit si Pollux.
"Me too, Papa. Doctor ako." Singit din ni Castor.
"Sure mga anak. Galingan nyo sa school. Being a Doctor requires a lot of hard work." Nakangiting payo ni Papa sa kambal.
"Magaling naman kami, Papa." Sagot ni Castor.
"Ikaw Polly? Anong gusto mo?" tanong ni Mama sa natutulog naming baby boy na si Polaris "Speaking of college, dito na rin mag aaral ang mga anak ni Lavheart." Singit ni Mama "Balik Pinas na raw sila for good."
"Anong kurso ng kambal nya?" tanong ni Papa.
Syempre, pasimpleng nagbabantay rin ako ng sagot ni Mama. Kurso ni Heartmir yun eh.
"Nursing si Lavmir, Education si Heartmir."
Education. Pwede akong math major or social science. Di nalang ako magbubusiness for her. Hahaha. Patay na patay? First time ko palang syang nakita kanina pero naisip ko nang magteacher para sumama sa kanya. Tangina, Rigel. Naattach agad?
"Physics daw pipiliin nyang major." Dugtong ni Mama.
Ay? Physics? Di ako genius!
"Yung babae yung may photographic memory na mataas yung IQ?" tanong ni Papa.
"Oo, Hon. Mas matalino pa sa teachers nila sa L.A. Tapos Harvard passer pero ayaw na sa ibang bansa. Tinanong naman sya ni Lavheart kung gusto nya talagang mag Harvard kaso ayaw nya raw. Sasama sya sa Pilipinas."
What? Ganun sya katalino? Pano ko na sya neto liligawan. Baka bigyan ako ng Physics problem at di ko masagot.
"Buti naman at pinili nya ang Pilipinas baka makatulong naman sya sa bansa natin." Sabay tawa ni Papa "Lavmir will take Nursing. Premed nya?"
"Oo. Gustong mag Ob. Tawang tawa nga si Lavheart kase mukhang gustong mag Ob para humarap sa mga babae. Napakababaero raw. Dalawang araw palang sila sa Pinas, may babae na."
"Dugo ni Bladimir dumadaloy sa ugat nyan." Natatawang sabi ni Papa.
"Napag usapan din namin yung dati naming promise sa isa't isa. Ipakasal kita Rigel sa anak nya ha."
Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain "Ha?"
"Joke lang anak." Sabay hagikhik ni Mama.
"Wag magjoke ng ganyan Mama. Baka seryosohin ko."
(EDITED VERSION. THANK YOU SO MUCH.)
BINABASA MO ANG
Loving Heartmir Dela Vega
RomanceDi ka pa man lang kumikibo ayos na. May mahika ka bang dala-dala?