Chapter 2

512 9 5
                                    

Nasa dulo na rin siya at nakalingon sakin. He smiled. I smiled. And then sabay naming tinalikuran ang isa't isa.

Nagsimula na akong maglakad patungo sa ice cream shop. Nang makapasok na ako ay dumiretso ako sa counter para umorder. Nang makuha ko ang order ko ay naupo ako sa pinakadulong table.

Ano na kaya ang ginagawa nila dad doon? Nagpaalam naman akong matatagalan ako.

Maya maya ay may pumasok na dalawang batang sa tingin ko ay kasing edad ko rin. Nagtatalo sila. Maliit ang batang babae at maikli ang buhok nito. Mejo matangkad naman ang lalaki. The girl's height leveled the boy's chest. Nakacross arms ang babae at masama ang tingin sa lalaki.

"You're not my boyfriend! Why are you trying to manipulate me?" Matinis na ang boses ng babae pero cold ang pagkakasabi niya.

"I am not manipulating you. Why do you wish to join that agency?"

"Why? Am I not qualified?"

"Tignan mo nga yang height mo!"

Mukhang naoffend ang batang babae kaya naman sinuntok niya sa mukha ang batang lalaki.

"Gago ka ba? Gago ka. Wala sa height yun!" Then nagwalk out yung batang babae.

"Erica! Kala ko mag-a-ice cream tayo?" At hinabol siya nung batang lalaki habang sinisigaw yan. Napailing iling ako. Ang cute nila.

Matapos kong kumain ng ice cream ay lumabas na ako. Pagkalabas ko ay may muntik na akong makabangga na lalaki.

He looked asian.

"Oops." He said while smiling at me. He's good looking I may add.

"Mauna ka na." Dagdag pa niya. Pero di ako nagsasalita. Natunganga lang ako sa kanya.

"Uh... hi?" Naiilang niyang sabi na nagpabalik sakin sa wisyo.

"Oh. Sorry." Napatungo ako at nilampasan na siya.

Napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong nakatingin parin siya sakin. Binalikan ko siya ng tingin. Tama nga ako. Nakatingin parin siya sakin. Ngumiti nalang ako sa kanya bago tumalikod ulit.

"Ang weird mong makatingin nung unang beses kitang nakita." Sabi ko kay Ten na kasalukuyang nakaupo na dito sa may garden.

Napailing siya.

"Weird ba? Nacutan lang ako sayo." Pakiramdam ko ay namula ang mukha ko kaya napaiwas ako ng tingin.

"Kinikilig ka ba?" Ramdam ko ang pang-aasar sa tono niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Joke lang. Bakit ka nga pala napadpad dito sa Korea?"

"Dito kami dinala ni dad eh."

"Nasan dad mo?" Curious niyang tanong.

"Still in LA. Work." Matipid kong sagot kaya tumango tango nalang siya.

Tumagal pa ng dalawang oras si Ten dito sa bahay. Hinayaan na rin kami ni tita.

Maya maya pa ay narinig ko na ang boses ng brother ko.

"NOONA!" Nilingon ko siya at tumatakbo siya habang may dala dalang paper bag.

"Bumili kami ni Hansol hyu---Who is he noona?" Hindi na niya natuloy ang tanong niya nang mapansin niya si Ten sa harap ko.

"Oh. It's Ten. Uh... friend ko?" Hindi siguradong sagot ko. Ngumisi naman si Ten.

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon