Chapter 25

180 6 0
                                    

(Taeyong × Camela backstory part 2)

"Aba Mihae. Bakit grabe ka makangiti jan?"

Nilingon ko si ahjumma at niyakap.

"Ahjumma. Ano pong magandang panregalo sa boyfriend ko?"

Biglang nagseryoso si ahjumma.

"Camela. Alam mong hindi tanggap ng parents mo si Taeyong."

Napahinga ako ng malalim.

"Hindi ko naman po kailangang sabihin sa kanila."

"Isang taon mo na siyang tinatago sa parents mo ah?"

"Ahjumma..."

"Oo na oo na. Pasalamat ka apo at mahal na mahal kita." Napangiti ako sa sinabi ni ahjumma.

Siya lang talaga kakampi ko dito. Si dad mejo lenient sakin. Si Eomma naman ang sobrang strict talaga.

Sinamahan ako ni ahjumma na bumili ng gift for Taeyong. Nasa isang shopping botique kami nung makabangga ko ang isang babaeng mukhang nagmamadaling lumabas.

"Ice! Wait!" Hinahabol siya ng isang lalaki.

Parang pamilyar siya. San ko na nga ba ulit siya nakita?

Nakatingin lang ako sa pintuan kung saan lumabas yung dalawang taong iyon.

"Iha, halika na." Napabaling lang ulit ako kay lola nang tawagin niya ako.

"Ahjumma, tingin niyo po magugustuhan ito ni Taeyong?"

"Nako. He's drown into you. Kahit ata itlog ang iregalo mo sa kanya ay magtatatalon siya sa tuwa." Biro ni ahjumma na siyang nakapagpatawa sakin.

"Ahjumma talaga." Kung saan saan pa napunta ang usapan naming maglola at hindi ko na napansin na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin.

"San kayo galing eomma?" Sumalubong samin si eomma na seryosong nakatingin kay ahjumma. Napatingin siya sakin bago sa bitbit kong paper bag. Instinct na tinago ko ito sa likuran ko.

"Akala mo ba ay hindi ko alam na may relasyon kayo nung lalaking iyon? Akala mo ba ay forever mong maitatago sakin ito, Mihae?" Iritadong wika ni eomma. Kumapit ako sa braso ni Ahjumma.

"Eomma please..."

"Break up with that boy!"

"EOMMA MAHAL KO PO SI TAEYONG!" Sigaw ko. Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sakin. Binuklat niya ang pamaypay niyang kanina pang hawak at ipinaypay sa sarili.

"Love? Ha! Mapapakain ka ba ng pagmamahal mong yan?"

"Eomma naman..."

"Wala kang mapapala sa lalaking yan! Ni hindi pa nga nagdedebut!"

"He will! Very soon!"

"Wala kang makukuha sa kanya!"

"Hindi naman po kasi ako katulad niyo na pinakasalan lang si appa dahil mataas ang posisyon!" Huli na ng marealized ko ang nasabi ko. Napalingon din sakin si ahjumma. Natigilan si eomma. I saw hurt in her eyes pero agad napalitan ng galit.

Nilapitan niya ako at sinaktan.

"How dare you!"

"M-mianhamnida."

"Yan ba ang isusukli mo matapos kitang palakihin at alagaan? Yan ba Mihae? Ganyan ka na sumagot sa ina mo? Yan ba ang natututunan mo sa pagsama sama mo doon sa Taeyong na iyon?" Napayuko ako.

"Yooseong-ah. Tama na muna. Pabayaan mo na yang apo mo."

"Eomma..."

"Makipaghiwalay ka na doon, Mihae. I am warning you. Pag hindi mo ako sinunod sisiguraduhin kong hindi na makakapagdebut yang boyfriend mo." I froze upon hearing my mom's words.

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon