Johnny
"Ano? Inlove ka na ba sakin?" Taas kilay na tanong sakin ni Jikyung. Isang araw na niyaya ko siyang lumabas ulit.
"Psh."
"Hindi ka parin ba sinasalo ni Erica? Sobrang ganda niya ah. Nagpapabebe sayo?" Pang-asar niya. Ngumisi lang ako bago magsalita.
"Hindi pabebe yun. Wala lang talaga siyang panahon sa mga tulad ng love love na yan."
"Ipagtanggol mo. Sinasaktan mo ako ah. So anong role ko dito? Takbuhan mo pag bored ka lang?" Napailing iling nalang ako sa kanya. Kahit kelan talaga to.
"Ako nalang kasi." Bigla siyang nagseryoso. Naibaba ko ang iniinom kong smoothie.
Ilang minuto kaming natahimik nung bigla siyang natawa.
"Got ya! You should've seen your face!" Tawa lang siya ng tawa doon.
"Pero Johnny." Bumalik nanaman siya sa pagiging seryoso niya.
"Hmm?"
"Hanggang kelan mo balak maghintay sa kanya?"
Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko rin alam. I've always liked her since childhood. Ni hindi na nga ako tumingin sa ibang babae dahil siya lang nakikita ko.
Nangalumbaba siya sa harap ko at tinitigan ako.
Kung tutuusin hindi naman mahirap gustuhin tong si Jikyung. She's pretty. Ulzzang nga to eh. Ako lang problema. My heart had always been loyal to Erica.
"She's really lucky huh? Ikaw yung lalaking kahit ilang beses itaboy, basta mahal mo, kakapit parin. Where can I find my own Johnny Seo?"
"Kung di lang ako inlove kay Erica, probably sayo ako maiinlove." Ngumiti siya.
"Is that your indirect way of saying na you like me?" Natawa ulit ako. See? She's always been like this. Overconfident. Umiling iling lang ako.
"I'm sorry to break your heart pero yung word na Crush, Like at Love kay Erica ko lahat yun naramdaman."
She pouted.
"Ahh! I envy her! Gosh." Then once again sipped from her smoothie.
"Sana pala talaga hindi ko na pinauwi si Jikyung." Nagdadalawang isip ako kung magdo-doorbell ba ako or uuwi nalang din.
Naalala kong nagpumilit si Jikyung na samahan ako dito. Baka mas mapagaan loob ko pag nandito siya kasi she's good in lighting up the mood.
"Aish wag na nga!" Pagtalikod ko ay sumalubong sakin ang nakacrossed arms na si Erica. Nagtaas siya ng kilay sakin.
"K-kanina ka pa jan?" I asked her.
"Kararating ko lang. Bakit ayaw mong magdoorbell?"
Hindi ako nakasagot.
"Tabi." Nilabas niya ang susi niya at binuksan ang gate. Nauna siyang pumasok tapos tinanaw ako.
"Papasok ka ba o makikipagtitigan ka nalang jan sa gate namin?" Dali dali tuloy akong sumunod sa kanya. Sinarado niya ang gate at nauna siyang maglakad papasok sa loob.
"May kailangan ka ba?" Tanong niya sakin nung nasa sala na kami.
"Gusto lang kitang makita."
"Namiss mo ako?" Gulat akong napalingon sa kanya. Seryoso lang siya.
"M-mejo." Sagot ko at napatingin sa labas.
"Namiss kita eh. Nagseselos ka ba kay WinWin?"
Again, I looked at her. Seryoso parin siyang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
As If It's My Last(NCT127 FF)
FanficMy name is Summer... but my life is colder than Winter...