Jaehyun
"Ayos ka lang?" Nilapitan ako ni Taeyong hyung. Umupo sa tabi ko at tinanong yan. Tumango lang ako.
"Obviously, hindi. Kahit sabihin mong oo."
"Bakit ka pa nagtatanong kung alam mo yung sagot?" I asked him.
"For confirmation."
"Parallel ba yan sa relationship niyo ni Camela?"
Natahimik siya sa naging tanong ko. Only his girlfriend's name can shut his mouth.
"Pupunta akong North." Biglang sabi niya matapos ang ilang minuto ng katahimikan.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ha? Nababaliw ka na bang talaga hyung? Pano pag bigla kang binaril doon."
"I need to take the risk." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Hindi siya matutuwa sa gagawin mo. Hindi ka ligtas doon." I said.
"Edi samahan mo ako." Mariin niyang sabi.
"May iba pang paraan para maayos relasyon niyo. Wag yung ganyan. Wag kang sumusugod doon ng basta basta. Hindi ka pangkaraniwang tao. Idol ka hyung." Pumikit siya ng mariin at sumandal sa pader. Ginaya ko ang ginawa niya. Napamulat ako nang matamaan ako ng unan. Pagtingin ko ay yung unan na pinag-aagawan ni WinWin at Doyoung kanina.
"Pasalo! Jaehyun!" Sigaw ni Doyoung sakin. Umiling lang ako at niyakap ang unan na yun.
"Kelan mo balak bumalik ng LA?" Ito nanaman siya sa pangungulit sakin kung kelan ako aalis.
"I told you already. Ayoko pa."
"Hindi naman yung ate niya kasi ang pupuntahan mo. Siya."
"Tingin mo papayagan niya ako? Hindi. Galit na galit yun sakin. Kahit taon pa ang lumipas galit parin sakin yun."
"Bakit ka kasi magpapaalam?" May point.
"We'll see."
"Nasan ba si Johnny at Ten?" Yuta suddenly asked.
"Si Ten pasunod na daw. No news about Johnny." Taeyong hyung answered.
Nandun si Ten...
Naiinis nanaman ako.
Nilabas ko ang phone ko at binasa ang palitan namin ng texts ni Summer.
me: Good Morning.
siya: Sinapian ka ba? Lumabas lang tayo minsan, naging mabait ka na.
me: Iisipin ko nalang ganyan ka mag-good morning.
siya: Wag mo akong linyahan ngayon. Nababadtrip ako.
me: Ano nanaman?
siya: Pakisabi nga sa mga groupmates mo sunduin dito si Ten. Wala nang ginawa kundi bwisitin ako.
me: He's there...
siya: Yes. Pakisundo. Naiinis ako.
Hindi na ako nagreply sa text niya. Kasi nawalan na ako ng gana.
"Summer?" Agad kong itinago ang phone ko nang mapansing nakasilip dito si WinWin. Kelan pa nakarating sa tabi ko to?
"Sino yun?" Tanong niya. Umiling ako.
"Wala."
"May girlfriend ka ba?" Nanlalaking matang tanong niya sakin.
"Wala!"
BINABASA MO ANG
As If It's My Last(NCT127 FF)
FanficMy name is Summer... but my life is colder than Winter...