Mark
"Wag ka nang lalapit sakin!"
"Aileen---"
"Ang sama mo! Ang sama sama mo!"
Tinakpan ko ng unan ang tenga ko para matigil na ang pagrereplay nung scene na yun sa utak ko.
"Mark! Lumabas ka na nga jan!" Wala na akong nagawa nung higitin ako ni Doyoung hyung palabas ng kwarto.
"Anong problema mo? Simula nung umuwi tayo kaninang ala una galing kila Aileen eh hindi ka maayos. May nangyari ba?" Tanong sakin ni Taeyong hyung. Umiling ako.
"Wala, hyung."
Sinuri niya ako. Parang ayaw pa niyang maniwala sa sinasabi ko.
Hindi ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila.
Iniisip ko parin yung mga nangyari kagabi. Galit siya. Galir siya sakin.
"Happy Birthday ulit, Aileen." Bati ko sa kanya nung maabutan ko siya sa kusina. Tipid siyang ngumiti sakin bago ako talikuran.
"Kailangan mo ng tulong?" Tanong ko sa kanya. Pero umiling lang siya sakin.
"Doon ka na sa labas, Mark."
"Gusto kitang tulungan dito." Sagot ko.
Humarap siya sakin. May pinakita siyang facemask.
"Aileen."
"Sayo to diba?"
Natigilan ako sa naging tanong niya. Akala ko nung pinagpanggap ko yung kaibigan ko, namatay na ang pagdududa niya sakin.
"H-hindi." However, I still denied it.
Napangisi siya.
"Yes, Mark. Sayo to. Nung niyakap mo ako kanina nakilala ko yang pabango mo. Same as the person na nagnakaw ng halik sakin." Hindi ako kumibo. Binato niya sa mukha ko yung facemask. Napapikit ako dahil tumama sa mata ko.
"Hindi ko alam kung anong trip mo. Pero kung akala mong mapapaikot mo ako, nagkakamali ka." Tinalikuran na niya ako. I tried to touch her pero natatakot ako.
"I'm sorry."
"Lumabas ka na Mark."
"Aileen."
"Wag ka nang lalapit sakin!"
"Aileen---"
"Ang sama mo! Ang sama sama mo!" Hindi na ako nakakibo. Wala na akong ibang masabi kundi sorry.
"Earth to Absolutely Fully Capable, Mark Lee!" Napabalik lang ako sa wisyo nung sumigaw si Yuta hyung.
"Wala ka sa sarili. Ano ba talagang nangyayari sayo?" Hindi ako sumagot. Tumayo nalang ako at bumalik sa kwarto.
Camela
Maaga ang dating ko dito sa SM Building.
I'm waiting for Taeyong. May guesting siya ngayon with Ten.
A familiar hands enveloped me from the back. I smiled.
"Kanina ka pa?"
"Hindi naman." Sagot ko.
"Tara na?" He asked.
"Wala si Ten?"
"Nauna na siya doon."
Magkahawak kamay kami ni Taeyong na sumakay sa van. Hanggang sa makarating kami sa KBS.
"Ano Taeyong? Iiwan na ba namin kayo dito ng girlfriend mo?" Pang-asar ng manager nila. Ngumisi lang si Taeyong. Kumindat yung manager nila sa akin at bago pa ako makapagwelga ay lumabas na sila at iniwan kami dito sa dressing room.
BINABASA MO ANG
As If It's My Last(NCT127 FF)
FanficMy name is Summer... but my life is colder than Winter...