Chapter 10

223 5 0
                                    

"Wala eh. Di kakayanin."

Rose

"Hindi ka talaga sasama sa dad mo?" I asked Summer. Umiling siya.

"Ayoko dun."

"Di mo ba namimiss mommy mo?"

"Syempre namimiss. Uuwi akong LA pag malapit na ang Death Anniversary ni mommy." Sagot naman niya.

"So sasakyan mo yung trip ni tita mo?"

After I told her that ay bigla siyang napatitig sakin.

"I need to confess something." She said.

"Ano yun?"

"Close kami ni Ten."

"Then?"

"Then siya yung lalaking tinutukoy ni tita." Magkatinginan lang kaming dalawa. Hinihintay kong may sabihin pa siya habang hinihintay niyang magsalita ako. I smiled.

"Astig mo naman!"

"Hindi ka galit?" Takang takang tanong niya.

"Hindi. Bakit ako magagalit?"

"Kasi gusto mo siya?"

"Oo. As a fan girl. Kala mo rin ba inlove ako sa kanya?" Nakangisi kong tanong.

Tsaka kahit anong pagdedeny ko. Kahit anong tago ko. Alam ng puso ko yung totoo. Yung totoong nagmamay-ari.

"Hindi ba?" She asked back. Umiling ako.

"You know. I like Ten since then. Fan niya talaga ako eh. Pero iba yung mahal ko."

Bigla siyang napangisi. "Kun." My smile faded as I nod.

"Ikwento mo naman yung sa inyo ni Kun. Alam ko lang fiancé mo siya noon. Tapos inoff niya dahil kay Ten? Pero ano ba talagang nangyari?"

"Alam mo kasi, tanga tanga yung si Kun. Mahal na mahal ko talaga siya noon---"

"Hanggang ngayon." She cut me off. I just rolled my eyes.

"Nainsulto ako dahil doon kay Hera."

Naalala ko nanaman siya.

"Sino si Hera?"

"Kaibigan ni Kun."

"Oh? Anong meron sa kanya? Bakit ka nainsulto? Mas maganda sayo? Mas sexy?"

"The heck, no! Mas maganda at sexy ako!" Tch.

"Oh eh ano? Bakit ka nainsulto?"

"Eh kasi mabait siya." Kitang kita ko ang pagtataka sa mukha ni Summer.

"Uh-kay? Mabait siya. Tapos anong ginawa sayo? Anong nakakainsulto sa pagiging mabait?"

"Sa sobrang bait niya nagi-guilty akong magalit sa kanya."

"Mahal ba siya ni Kun?"

"Kun never told me he loves Hera. Pero ramdam ko naman yung importansya niya kay Kun. He's with me pero isang tawag lang ni Hera pupunta siya." Napaluha ako pero agad kong pinahid. "One call and I'm nobody."

Plus I hate the fact na sobrang bait din ni Kun. He's friendly to girls. Yun yung isang weakness ng relationship namin noon. Friendly siya, territorial ako.

"May pagkaterritorial ka ba?" She asked. See? She's my true friend because she can read through me.

"Meron."

"Kaya. So ano ngang ginawa ni Hera sayo?"

"Yun nga eh. Wala siyang ginawa sakin. Mabait siya. Naging friends pa kami. She's younger than us. Ate pa nga ang turing niya sakin eh."

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon