Chapter 39

172 6 0
                                    

Aileen

"Bakit ba ayaw mo akong tignan?" Tanong sakin ni Mark nung nagsimula na ang cornyng pauso ni Hansol oppa.

At oo. Ayaw ko talaga siyang tignan.

Hindi ko masabayan yung music. Itong si Ten oppa puro Thai music ang pinapatugtog. Nang-iinis ata. Tapos sigaw pa siya ng sigaw ng "Oh! Out na sina Jaehyun at Summer. Alis na jan." tapos pag titignan namin, maayos naman na nakatapak yung dalawa. Kung makaasta kala mo di nagbreak.

Nagstop nanaman yung music at nanigas ako nang sa bewang ko na ang kapit ni Mark.

Nagkakantsawan yung mga walang ginagawa.

"Hoy Lucas! Chansing ka! May asawa na yan!" Sigaw ni Doyoung oppa. Ang lingkis kasi ni Lucas kay Erica eonni. At halatang di komportable si Erica eonni.

"After nito dalawa ang susuntok kay Lucas." Mark whispered.

"Yeah. Papatay na rin ng tao si Johnny oppa oh." I said.

"And Win Win hyung, kahit pa magkunwaring cool, naiinis na yan." Napangisi ako at tinignan si Win Win.

Nagstart na ulit ang music.

Wala pa namang naa-out. Magagaling kami.

"Out Jaehyun and Summer!"

"Utot mo Chittaphon. Manahimik ka nga." Tinabihan na ni Taeyong oppa si Ten oppa at inakbayan.

As usual. Paliit ng paliit yung newspaper.

Hanggang sa nakaabot na kami sa buhatan.

"Mark and Aileen, out." Hansol oppa.

"Bakit ba parang takot na takot ka sakin? Okay na tayo diba?" Tanong sakin ni Mark nung paupo na kami.

Natira nalang sina Summer Eonni at Jaehyun oppa, Erica eonni and Lucas, Jikyung eonni and Johnny oppa. Si Kun oppa at Rosey eonni hindi pa dapat out. Kaso gutom na ulit sila kaya kumain nalang ulit silang dalawa.

"Lucas ayus ayusin mo yang hawak mo kay Xiao Xi ah." Tumayo na si WinWin at lumipat ng upuan kung saan malapit siya kina Erica at Lucas.

"Gusto ko ngang manalo. And I'm handling her with care. Di ko susugatan ang asawa mo." Lucas countered.

Nagsimula na ulit yung tugtog pero nung akmang bubuhatin na ni Lucas si Erica ay nahigit na ito ni Johnny. Hinila niya si Erica palabas ng restaurant.

"What? Si Win Win hyung ang asawa pero si Johnny hyung ang OA? Anong meron?" Lucas asked habang napapakamot sa ulo.

"Alam mo kasi Lucas. Ganito yan. Si Erica at Jo---" Hindi na natuloy ni Yuta ang kwento niya kasi tumikhim si Win Win.

"Nagugutom ako ulit." He said.

Dahil wala nang gana lahat sa paglalaro ay nagkanya kanya nanaman kaming mundo.

Busy ako sa pagpapak ng mallows na sinawsaw ko sa chocolate fountain.

May sarili akong mundo. Pero yung mundo ko talaga nasa tabi ko.

Joke.

"Oh." Inabutan ako ni Mark ng platito na may mallows at chocolate.

"Uh... thank you." I said at inabot ko yun.

Pinanuod nalang niya akong kainin yung mallows.

"Nagtataka lang ako. Para saan ang dinner na to? Bakit ang bongga? I asked.

"Win Win hyung and Chenle want this kind of dinner. Idea ni Win Win hyung, sponsored by Chenle. Wala talaga sigurong mapag gastusan yun." Sagot niya naman sakin.

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon