Chapter 37

179 7 0
                                    

Erica

"Pakasalan mo ako."

Nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Ilang minuto kaming natahimik. Maya maya ay natawa siya. Kunot noo ko siyang tinignan habanh tumatawa.

"Tapos ka na?" Tanong ko nang matigil na siya sa kakatawa niya.

"Nagbibiro ka ba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Taas kilay kong tanong.

Bumuntong hininga siya bago ako seryosong tinignan.

"Si Johnny hyung ang gusto mo."

"Pwede bang wag mo muna siyang banggitin sa usaping ito?"

"Okay. Pero kailangan kong malaman bakit sakin ka papakasal? And ang bata pa natin pareho. At baka nakakalimutan mo, Idol ako."

"Alam ko lahat yun. At hindi ko naman hinihiling na pakasalan mo ako agad." I crossed my arms.

"Kung ganun. Anong meron?" Takang tanong niya.

"It's either you or Kun." Nangunot ang noo niya habang nakatingin sakin.

"Bakit nasali si Kun?"

"Kasi siya ang option na binibigay sakin ni appa." Tumango tango siya. Meaning, gets na niya ang sinasabi ko.

"Chinese practices huh? Ang traditional naman ng pamilya niyo."

"Kayo ba?" I asked him.

"Hindi masyado. But they want a chinese girl for me." Ngumiti ako.

"So pumapayag ka na." Ngumiti siya nang matamis tapos...

"No."

Bumagsak ang balikat ko sa sinabi niya.

Seriously? He's rejecting me?

"B-bakit?"

"Kasi alam kong si Johnny hyung ang gusto mo. So No. Umuwi ka na ng South Korea. Kung namimiss mo ako, uuwi ako after a month. Hindi pa naman masyadong busy ang NCT ngayon." Tinalikuran na niya ako pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Teka... Win Win."

"Kahit gustong gusto kita. Hindi ako papagamit sayo. Maawa ka naman sakin." He said. Seryoso ang tono niya kaya napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya.

"Sicheng..."

"Hindi ako naniniwalang superior ang parents mo kesa sayo. You can say no to them. Explain mong may girlfriend na si Kun at---"

"I'll marry him then." I cut him. Napaharap siya sakin at gulat na gulat ang itsura niya.

Seryoso ko siyang tinitigan.

"Wala akong choice eh. Kesa ibang tao, then papatulan ko nalang yung gusto ng father ko. Kun's safer than anybody else. I have no choice kasi nga ayaw mo." Akmang tatalikuran ko na siya pero nahawakan niya ang braso ko. Napangisi ako.

Ang dali namang utuin nitong si Win Win. Haha.

"Pero baka mag-away kayo ni Rosey."

Nagkunwari pa akong hirap na hirap sa pagbuntong hininga.

"Sanay akong maraming kaaway. I could even catch a bullet for you. Nakalimutan mo na?" I looked at him. He pursed his lips tapos napayuko.

"About that. I'm really sorry."

I smiled. "Everything's fine now. Hindi mo kasalanang baliw na baliw sayo si Hera. Literal na baliw." I said.

"How's she?" Is Win Win an angel? Kinidnap na siya kakamustahin pa?

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon