Chapter 16

175 7 0
                                    


Nakabantay ako sa kapatid kong nandito sa hospital. Sobrang takot ang naramdaman ko kagabi nung bigla nalang siyang kinumbulsyon.

Kagagaling lang dito nina Rosey at Kun na officially together na. Tignan mo yung babaeng yun. Ang daming arte sa buhay bibigay din naman.

Hinahaplos ko ang mukha ng kapatid ko nang biglang bumukas ang pinto.

"Summer." Hindi ko na kailangang lingunin. Alam kong si Ten yan.

"Okay na ba siya?" Umupo siya sa may dulo ng kama. Sa may bandang paanan ni Autumn.

"Yeah. Tulog lang."

"Sorry di na ako nakapagdala ng fruits. Nagmadali na ako nung sinabi mong nandito siya."

"Okay lang Ten." I smiled. Pupunta rin naman sila tita dito mamaya. Si Aileen after school daw. Si Hansol after niya sa SM building.

"Hindi mo kasabay si Jaehyun?" I asked him. Sabay ko kasi silang tinext ni Jaehyun. Eh nasa iisang dorm lang naman sila so inaasahan kong sabay silang darating dito. Biglang nag-iba ang expression ni Ten. Biglang naging malamig.

"Hindi. Nauna na ako." Sagot niya at tumingin nalang kay Autumn. "Di ka ba papasok?" Pahabol niyang tanong.

"Wala kaming klase hanggang Friday. May event sa school." Buti nga nataon na wala kaming klase para mabantayan ko tong kapatid ko.

"Nakasalubong ko sa parking lot sila Kun at Rosey. May galit ba sakin si Kun?" Inosenteng tanong niya na gusto kong tawanan.

Oo gago! Isa ka sa dahilan bakit sila nag-away noon.

Pero di ko sasabihin yan. Baka lumaki ulo eh.

"Bakit mo nasabi?" Maang-maangan kong tanong.

"Eh kasi naman. Ang sama ng tingin sakin nung binati ko si Rosey. Anong ginawa ko sa kanya?" Napakamot pa siya niyan sa ulo niya.

"Ewan. Malay." Nagkibit balikat nalang ako sa kanya.

Wala nang nagsalita samin hanggang sa niluwa ng pintuan si Jaehyun na halatang tumakbo dahil hinihingal pa.

Nilapitan niya si Ten at binatukan.

"Bwisit ka. Niligaw mo ako!"

"Uto uto ka eh." Natatawang sabi ni Ten.

"Teka teka. Anong nangyayari dito?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Sinabi niyang ibang room daw si Autumn. Na nilipat na." Jaehyun said irritated.

"Ha? Eh diba tinext ko pati room number?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga. Ang kaso bago ako umalis kanina nakareceive ako ng text galing kay Ten. Sabi niya nailipat daw si Autumn. Pumunta pa ako sa pinakataas na floor ng hospital na to! Bwisit." Umupo si Jaehyun sa tabi ko at sumandal sakin.

Ramdam ko parin ang hingal niya. Hinagod ko nalang ang likod niya.

"Uto uto ka pala eh." Natatawa kong saad.

"Oh shut up and heal me." He said at pumikit.

I looked at Ten. Hindi siya nakatingin samin ni Jaehyun. He's looking at my brother but he's clenching his fist. Agad kong naitulak si Jae kaya nalaglag siya.

"Aray ko naman!" Reklamo niya habang tumatayo.

"Sorry. Ano kasi... masyado kang madikit!" Pagpapalusot ko kahit wala namang kaso sakin kung madikit siya. It's just that... ayoko lang isipin ni Ten na insensitive ako. Tinignan ko si Ten pero di parin siya nakatingin sakin.

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon