Chapter 36

175 6 5
                                    

Johnny

"Hoy yung love interest mo dumating na ba?" Tanong ni Jikyung sakin. Umiling ako.

"Stop calling her "love interest mo" may pangalan siya. Erica." I said.

"Arte mo. Pero bakit wala pa? Kala ko ba saglit lang siya doon? Isang buwan na ang nakakalipas ah?"

"Ewan ko. Kailangan ba alam ko?" Naiirita kong tanong sa kanya.

"Oo naman. Malay mo pala kinasal na siya doon." Biro niya pero hindi ako natuwa.

"Hindi yan magandang biro."

"Ang pikon mo."

Hindi ko nalang siya pinansin at nagfocus sa binabasa kong magazine.

"Jikyung-ssi?" Tawag sa kanya. Pero hindi ata narinig dahil may earphones siya.

"Hoy ikaw na." Kalabit ko. Tumingin siya sa receptionist at tumayo. Iniwan niya ang bag niya sakin.

Sinamahan ko siya dito sa spa. Ewan ko ba kung pano niya ako napapayag. Siguro dahil sobrang bored na ako.

Wala rin kaming schedule kaya nagpapauto muna ako dito kay Jikyung.

"Boyfriend niyo maam?" Tanong nung receptionist.

Ngumisi si Jikyung at kumindat sakin.

"Fiancè ko." Napailing iling nalang ako sa kalokohan niya.

Tumagal ng dalawang oras ang pagpapaspa niya. Matapos nun ay hinatid na niya ako sa dorm. Dahil siya ang may sasakyan. Siya ang maghahatid.

"Nga pala Johnny." Lalabas na sana ako nung magsalita siya.

"Hmm?"

"Mawawala ako ng ilang buwan. Magbabakasyon ako sa France." Sabi niya.

"Bakit ka nagpapaalam sakin?"

"Baka mamiss mo ako eh." Ngisi niya. Ginulo ko nalang anh buhok niya.

"Kelan alis mo? Hahatid kita."

"Sweet mo naman. Next week pa. Di mo na ako kailangang ihatid." Sabi niya. Umiling ako.

"Ihahatid kita." I said firmly.

"Hay Johnny. Ayaw mo talaga akong makamove on sayo no?"

"Sira." I said. Natawa kaming dalawa at tuluyan na akong lumabas. Pag-akyat ko sa dorm ay papalabas naman sina Jaehyun, Yuta at Kun.

"San kayong tatlo?"

"Rosey."

"Ice."

"SM."

Tinignan namin ng pang-asar si Jaehyun.

"Isang buwan ka nang single ah? Di mo namimiss si Summer?"

Sinamaan niya kami ng tingin.

"Kahit naman mamiss ko siya wala rin akong magagawa." Masungit niyang sabi bago naunang maglakad. Napailing nalang sila Yuta at Kun tapos nagpaalam na sakin.

Pagpasok ko sa dorm ay maingay sila.

"Johnny hyung!" Niyakap ako ng OA na si Haechan.

"Nandito na si WinWin!" Masaya nilang sabi at lumabas ang nakangiting si WinWin galing kusina.

"Hyung." He acknowledged me. Tumango ako.

"He's married." Taeyong said. Nagtataka ko silang tinignan.

"Married?" I asked.

"Yes. Doon sa kababata mo?"

"What?!" Gulat kong tanong kaya nawala ang ngiti sa mga labi nila. Sinugod ko si WinWin at kinwelyuhan. Biglang nagseryoso ang itsura niya.

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon