Summer
"San tayo kakain?" Tanong ko kay Jaehyun.
"San mo ba gusto?" Tanong niya pabalik.
Ngumiti ako at tinuro ang restaurant na malapit. Tumango nalang siya sakin at nauna na siyang maglakad.
"Ako na ang oorder para sayo." Ngumiti ako sa kanya.
Nilabas ko ang phone ko at nakitang panay ang text sakin ni Rosey.
Tinatanong niya kung may sama ng loob pa daw ba ako kay Kun.
Hindi ko naman na sineryoso yun. Kung napikon siya sa mga sinabi ko, edi sorry. Pero hindi ako nagsisising pinaalam ko ang opinyon ko.
Maya maya pa ay dumating na si Jaehyun dala dala ang mga pagkain namin.
We started eating. He's unusually quiet.
Hindi ko natatapos ang pagkain ko nang bigla siyang tumayo at nagtungo sa tabi ko.
"Jaehyun... bakit?"
"Halika na."
"H-huh? Pero di pa tayo tapos kumain."
"Lumipat nalang tayo ng restaurant. Halika na, Summer." Hinigit na niya ako. Nagtataka man ay nagpahigit nalang ako sa kanya.
"Jaehyun!" May tumawag sa kanya.
"Sh*t" Jaehyun cursed.
Nilingon ko ang pinagmulan ng boses and I saw Yuta.
"Jaehyun si Yuta."
"Hayaan mo."
"Teka nga lang." Bumitaw ako kay Jaehyun para harapin si Yuta.
"Summer, bakit kayo tumatakbo?" Tanong niya sakin.
"Hindi ko alam jan kay Jaehyun." Nakatalikod parin si Jaehyun samin.
"Jaehyun!" Tawag ko sa kanya. Tinignan niya ako at galit ang mga mata niya.
"Halika na Summer." He said.
"Bakit---" Hindi ko na natuloy ang tanong ko nang may nagsalita.
"Bakit ka nagmamadali, Jaehyun?" May babaeng lumapit sa amin. She cling into Yuta's arm.
Ito ba yung rumored girlfriend ni Yuta?
Napatingin sakin yung babae at natigilan. Nalaglag ang panga niya habang nakatitig sakin.
"S-sunny." She said. Kumunot ang noo ko.
"I'm sorry?"
"Halika na Summer!" Hinila na ako ni Jaehyun pero natigil kami nang may humila sa kabilang braso ko.
I saw the girl looking at me with longing in her eyes. Tapos bigla niya akong niyakap.
"T-teka. Sino ka ba?"
"Ice. Bitawan mo si Summer." Hinila nanaman ako ni Jaehyun.
"Anong nangyayari sayo Ice?" Nilapitan na siya ni Yuta.
Nakatitig parin sakin yung babaeng tinawag nilang Ice.
Good thing talaga at nakahoodie si Yuta at Jaehyun. Hindi sila madaling makilala. Mejo napapatingin na kasi ang mga tao samin.
"You're Summer?" She asked. I nodded.
"Halika na." Hinila ulit ako ni Jaehyun pero napatigil kami pareho sa sinabi ni Ice.
"You really look like her." Napalingon ako sa kanya. Seryoso na siya.
Si Yuta ay nagtataka sa gilid niya.
BINABASA MO ANG
As If It's My Last(NCT127 FF)
FanficMy name is Summer... but my life is colder than Winter...