Special Chapter

301 9 6
                                    

Kun

"Stressed ka na." Sabi ni Jaehyun sakin. Nakasimangot lang ako habang pinapanood si Rosey na sinusubuan ng cheesecake si WinWin.

"Tuwang tuwa si Rosey kay Sicheng." I said. Tumango naman si Jaehyun.

"Ang lakas niyang maglihi kay WinWin eh."

"Sino bang asawa niya? Ako o si Win Win?" Tanong ko kay Jaehyun.

"Mas cute kasi sayo si Win Win." Pang-aasar niya sakin kaya nginiwian ko siya.

"Sinusumpa kong patutulugin ka ni Summer sa labas ng kwarto niyo pag siya na ang maglilihi."

"Panong maglilihi eh di pa nga nagyeyes sa proposal ko. Tatlong buwan nang buntis tong si Rosey. Apat na buwan since nakasal kayo, pero si Summer ayaw paring pakasal sakin." Pagmamaktol niya na tinawanan ko lang.

"Sad." I said. And it's his turn to glare.

Nagising ako kasi may nagpopoke ng cheeks ko. Napadilat tuloy ako.

"Rosey? Bakit?"

"Call Win Win." She suddenly said. Tinignan ko ang orasan at nakitang 4:00 AM palang.

What the hell?

"Chaeyoung-ah. Please. Maghapon na kayong magkasama ni Win Win. You're clinging unto him the whole day like there's no tomorrow. Ako naman please? Nagseselos nako ah." Bigla siyang sumimangot hanggang sa naluluha na siya.

Ah! Rosey!

"B-but I want to see Win Win." Naluluha luha pa siya.

Seriously, Rosey? 4 AM and you're looking for Win Win?

At dahil wala akong palag sa asawa kong buntis ay tinawagan ko na si Win Win.

"Kunnie. Wae?" Husky pa ang boses niya at halatang kagigising.

"Mian, Sicheng-ah. Si Rosey kasi. Hinahanap ka."

Natawa naman siya.

"Jan na kaya muna ako tumira? Para di naman hassle." Kung patitirahin ko si Win Win dito, baka never na akong pansinin ng asawa ko.

"S-sige." Pero mahirap kalabanin ang buntis.

Dumating si Win Win dito. Pinagbuksan ko siya ng gate.

"Sorry ah. Naaabala ka na dahil sa pagbubuntis ni Rosey. Ewan ko ba doon at sayo naisipang maglihi."

Ngumiti naman si Win Win.

"Okay lang Kunnie." Pinatuloy ko na siya sa kwarto. Pagpasok namin doon ay tulog naman na si Rosey. I looked at Sicheng.

"Doon ka muna sa guest room." I said. Tumango siya at humikab bago magtungo sa guest room.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw.

"Kunnie?" Narinig ko ang malambing na boses ng asawa ko.

Dumilat ako at nginitian siya.

"Good Morning." I said.

"Morning. Where's Win Win?"

Haaaaay. Sicheng nanaman.

At dahil sabik kay Win Win ang asawa ko ay dinala ko siya kung saan natutulog si Win Win.

Halatang puyat pa. Pero mahimbing naman tulog niya. Halos maiyak naman sa tuwa tong si Rosey.

"Diba ang cute cute niya matulog. I want our child to sleep that way too, Kun."

Napailing iling nalang ako. Pregants are weird.

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon