"Nandito ka nanaman." Sambit ko kay Hansol nung maabutan ko siya sa sala. Hindi siya sumagot sa tanong ko. Nakatungo lang siya at parang malalim ang iniisip.
"Woy!"
"Ano ba." Masungit niyang sabi. Anong meron? Bakit nagsusungit to ngayon?
"Anong problema mo?" Wala ba tong magawa sa buhay niya?
"Kinontact ako ng SMent." He said then sighed deeply.
"Anong sabi?"
"They want me back." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Maya maya ay napangiti ako.
"Edi go! Diba yun lang hinihintay mo?"
"Oo nga. Pero ganun parin ang contract. I asked for changes pero ayaw nila."
"Edi wag na."
"Ang liit liit ng hinihingi ko, ayaw ibigay."
"May sinabi ba sila sayo para magkaganyan ka?"
"They promised to debut me. Sa next unit ng NCT."
"Omo... grab it. You've waited long enough."
"Yung contract nga!"Naiinis niyang sabi.
"Iba ba ang contract mo sa contract ng ibang members? Tulad nila Jaehyun?" Pagkabanggit ko ng pangalan ni Jaehyun ay tinignan niya ako ng nakangisi.
"Sa dami ng members namin, si Jaehyun ang binanggit mo. Pwede namang si Ten." Inirapan ko lang siya.
Jaehyun just popped out. Yun lang. Malisyoso tong isang to.
"Ewan ko sayo." Iniwan ko na siya doon at lumabas na. Mamamalengke ako ngayon. Nauubusan na kami ng stocks. Pabayaan mo siyang mag-isip ng solusyon sa problema niya.
Nang makarating ako sa market ay hindi ko naman alam kung anong bibilhin ko. Napakamot nalang ako sa ulo. Dapat sinulat ko yung list eh.
Bahala na nga.
Nag-ikot ikot ako at wala talaga akong mabili kaya nagtungo ako isang malapit na grocery store.
Halos mapuno yung cart ko ng chips kaya naisipan kong magbawas. Binalik ko yung iba. This isn't healthy. Puro chips and chocolates binibili ko. Fruits. Yes Fruits dapat.
So I went to the aisle of fruits.
Now what to buy?
"Neh appa. Bibili lang ako ng makakain then punta na po akong air---Aww!" Nakabangga ko ang isang babae. Dahil nakacart ako, walang nalaglag sakin. Pero siya nahulog niya yung handbag niya.
"Oops. Sorry miss." Tinulungan ko siya sa pagpupulot.
"Okay lang po. Sorry din. Di kita napansin." Nagbow kami sa isa't isa nang maiabot ko na sa kanya yung ibang gamit niya. Ngumiti siya sakin. Shoulder length ang buhok niya at blonde ito. Matangkad din siya. Mas matangkad kesa sakin. She's overall pretty.
"Sige. Salamat." Umalis na siya. Napatingin ako sa paanan ko at may passport.
Pinulot ko ito.
Camela. Yun yung nakasulat sa passport niya.
"Wait! Camela!" Hinabol ko siya. Lumingon siya sakin. Inabot ko sa kanya ang passport niya.
"Halla! Thank you! Nako. Baka hindi ako makalipad nito. Salamat talaga, you are?"
"Son Seungrin." I introduced myself using my Korean name.
"Kim Mihae." We shook our hands. Nang makaalis na siya ay tumalikod na ako para puntahan ang cart ko pero nangunot ang noo ko nang makitang may nakahawak na dito. Nilapitan ko siya.
BINABASA MO ANG
As If It's My Last(NCT127 FF)
FanfictionMy name is Summer... but my life is colder than Winter...