Chapter 38

173 7 2
                                    

Erica

Pwede bang wag nang tumuloy?

"Baka hindi siya dumating." Biglang sabi ni Win Win sa tabi ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Huh?"

"Baka di dumating si Johnny hyung."

"Ah." Hindi nalang ulit ako nagsalita. Nagulat ako nung hinawakan niya ang kamay ko para maisabay ako sa paglalakad niya.

"Bakit ka nagugulat? Asawa kita." Sabi niya na parang wala lang.

Hindi nalang ako nakapalag sa kanya. Pagpasok namin sa restaurant (na pinasara ni Chenle dahil ang dami namin at weird naman kung napakaraming taong nakafacemask ang nandito) binilang ko agad yung mga taong nandun.

Wala pa sina Ten at Summer. Pati na rin si Johnny.

Well, sabi nga ni Win Win. Baka di daw darating si Johnny. Okay.

Pagkapasok ko ay lumapit agad sakin si Rosey.

"Talaga? Kasal na kayo ni Sicheng? Bakit inunahan niyo pa kami ni Kun?"

Kasi pag di ako nagpakasal kay Win Win, baka imbis na lumilingkis ka sakin ngayon, baka sinabunutan mo ako dahil si Kun ang pakakasalan ko.

"Ganun talaga. Biglaan eh."

"Pero kayo ni Johnny ang nakikita kong magkakatuluyan." Sa inosenteng sentence niya, hindi ko magawang makasagot.

Nginitian ko nalang siya at lumayo nalang.

Akala ko nakasunod sakin si WinWin pero paglingon ko, kausap na niya si Kun.

Kumunot ang noo ko. Wow.

Nauna nalang akong umupo sa table kung saan naglalaro ng chess sina Jaehyun at Taeyong.

"Nagdala talaga kayo ng chessboard?" I asked them. Sabay silang tumango at lunod na lunod parin sa game.

Jaehyun moved his horse and ate Taeyong's queen.

I smirked. Brilliant move.

"Damn." Taeyong muttered.

"Yan kasi hyung, di mo iniingatan reyna mo. Nawala tuloy." Jaehyun said. Tumaas ang kilay ni Taeyong at ngumisi.

"That applies to you too, Jae." Sabi niya. Nagngisian nalang silang dalawa.

Psh. Dalawang broken hearted.

Nanatili akong nanunuod nang maramdaman kong may tumayo sa likod ko. He's caressing my back.

Lilingunin ko sana kaso pinigilan niya ang paglingon ko.

"Don't look."

"Huh?"

"Wag kang lumingon." Seryoso niyang sabi. What's with Sicheng.

And then I realized what's the catch. Narinig ko ang boses ni Johnny. So dumating na siya.

"Uh Johnny, I don't know them?" Wow. He brought her.

"Aww, hindi mo kami kilala miss? Hindi ka ba nanunuod ng TV?" Tanong ni Lucas na nakaakbay kay Jungwoo.

"Ang FC mo." Rinig kong sabi ni Jungwoo kay Lucas.

"Let's eat." Aya ni Taeil. At dahil mukhang gutom na lahat ay nagsi upuan na. Win Win sat beside me. Sa kabilang gilid ko naman ay si Lucas.

"Uy! Hi po asawa ni Win Win hyung." Tumaas ang kilay ko.

"May pangalan ako. Erica." Pero nginitian lang ako ng siraulo.

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon