Rosey
I've been crying endlessly since Hera died. Nakacremate na siya and nandito ako kila Kun. Nakayakap sa abo niya.
I felt Kun's presence behind me.
"Rosey. We'll accompany Hera to her final home." He said. Umiling iling ako.
"Shiro."
"Rosey."
"Kun... another hour please? I want to feel her." Pinagbigyan ako ni Kun at hinayaan akong yakapin si Hera.
However, after 30 minutes ay bumalik na siya. Wala na akong nagawa kundi sumama.
Matapos maihatid si Hera ay tumambay kaming dalawa dito sa bahay
"Rosey, mahirap para sating dalawa to. Malapit siya satin pareho. Pero hindi gusto ni Hera na nakikita kang ganyan."
"I still can't move on."
"We can't. At the moment. But atleast we need to try." Inangat ko ang ring finger ko.
"Are we really engaged?"
"We were engaged since then. Naudlot lang."
"Dahil sayo."
"Babalikan pa ba natin yung mga nangyari noon?" Iritado niyang tanong. Nginisian ko lang siya.
"Ah! Pupunta pala si Summer dito." Sabi ko. Namimiss ko na yung babaeng yun. Hindi masyadong nagpapakita.
"Anong oras?"
"Lunch. Kasama si Jaehyun."
Tinulungan ako ni Kun sa pagluluto. Nagmukhang assistant tuloy siya. Ang cute niya.
Maya maya pa ay narinig ko na ang doorbell. Nagpaalam muna ako kay Kun na lalabas at pagbubuksan sina Summer.
Pagkaopen ko ng gate ay agad akong niyakap ni Summer.
"How are you?"
"I'm fine."
"Hindi ko lubos maisip na magiging ganito ang effect ni Hera sayo." She said.
Niyaya ko na silang dalawa sa loob.
"You're cooking?" Tanong ni Jaehyun.
"Yeah. With Kun." Sagot ko.
"Nasan siya?" Tanong niya pa ulit.
"Sa Kitchen."
Nagtungo kaming tatlo sa kitchen at naabutan si Kun na nakatulala sa phone niya.
"Kun?"
Nabigla siya at napatayo. Lumapit siya kay Jaehyun at nakipagfist bump dito.
"Anong meron? Bakit ka tulala?"
"Mejo nagspace out lang." Sagot naman niya sakin.
For the remaining chores, tumulong na sila Summer at Jaehyun kaya mabilis lang naming natapos ang pagluluto.
Habang kumakain kami ay nakatitig lang si Summer sa kamay ko.
"Engaged nanaman kayo?" Bigla niyang tanong. Dahil proud ako ay inangat ko lalo ang kamay ko.
"Yes." I said.
"Masaya ka?" She asked.
Tumango ako smiling widely.
"Hera." Pagkamention niya ng pangalan ni Hera ay nawala ang ngiti sa mga labi ko at naibaba ko ang kamay ko.
"Bakit bigla biglaan kayong dalawa? Kakamatay lang ni Hera." Seryoso niyang tanong.
BINABASA MO ANG
As If It's My Last(NCT127 FF)
FanfictionMy name is Summer... but my life is colder than Winter...