Chapter 43

196 8 0
                                    

Kun

"Ayaw ka paring kausapin?" Tanong ni Win Win sakin. Umiling ako.

"Halla. Cancelled na talaga engagement niyo?"

"Siguro. Binalik niya yung singsing eh." Nagbukas ako ng bote ng beer at inabot kay Win Win pero ayaw niya.

"Ayokong umuwing lasing. Baka magalit si Erica."

Napangiti ako. Husband na husband na itong si Win Win.

"Ilang buwan na rin kayong kasal ni Erica ah? Wala pa kayong balak bumuo ng pamilya?" Binatukan niya ko.

"Baka nakakalimutan mo idol tayo. Wala pa akong balak bumuo ng pamilya. Masyado pa kaming bata pareho."

"Ano naman? Mag-asawa naman kayo eh."

"Lasing ka na ba agad Kun? Bakit ang daldal mo?" Win Win asked. Ngumiti lang ako.

Biglang nagring yung phone ko. Sa pag-asang si Rosey ay sinagot ko agad na hindi tinitignan ang caller ID.

"Rosey?"

"Kun." See? Tama ang instinct ko diba? Alam na alam ko kung sino ang tumatawag.

"..." Hindi na siya nagsalita so I took that opportunity.

"Rosey I'm sorry. Hindi na ako maglilihim. Magiging honest na ako. Kausapin mo na ako utang na loob." Pagmamakaawa ko sa kanya.

Hindi parin siya nagsasalita.

"Chaeyoung?"

"Halika na dito." Yan lang yung sinabi niya tapos pinatayan na niya ako ng tawag.

"Oh? Anong sabi?" Tanong ni Win Win.

"Pinapapunta niya ako doon." I said.

"Yan tayo eh. Iiwan mo nanaman ako dito."

"Umuwi ka doon sa asawa mo." Sabi ko sa kanya kaya pinagtaasan niya lang ako ng kilay.

Sabagay nga naman. Siya tong inaya ko dito tapos iiwanan ko siya. Ganun talaga. May kanya kanya kaming buhay, hindi naman pwedeng dikit kami lagi.

"Hindi naman kami magkasama sa iisang bubong ni Erica."

"Bat di ka bumili ng bahay?" I said.

"Kahit ilang bahay pa. Ibibili ko siya. Kaso ayaw niya."

"Bakit daw?"

"Ewan."

Nilinis na namin itong mga kalat sa sala bago kami maghiwalay ng landas.

Agad agad akong nagtungo sa bahay nila Rosey. Nagdadalawang isip pa ako kung magdodoorbell ako or hindi.

In the end. Tinext ko nalang si Rose.

Maya maya ay narinig ko na ang footsteps niyang papalabas ng gate nila hanggang sa pagbuksan niya ako ng gate.

Magkaharap lang kaming dalawa. Walang sinasabi.

Aww. Namiss ko siya. Ilang araw niya akong di pinapansin.

Bigla siyang naglahad ng kamay kaya nagtaka ako.

"Akin na yung singsing." She suddenly said. Nagulat pa ako nung una pero agad agad ko ring nilabas yung singsing at sinuot sa kanya.

Magsosorry na sana ako ulit kaso bigla niya akong niyakap.

"Sorry Kun." Eh? Bakit siya na nagsosorry?

"H-huh? Diba dapat ako?"

"Pinagalitan ako ni Summer. For the first time, hindi ako yung kinampihan niya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya."

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon