Chapter 17

185 8 0
                                    

Qian Kun

"Kun, makipaglaro ka doon sa mga bata oh." Utos sakin ng mother ko. Umiling lang ako at nagpatuloy sa panonood sa tv.

Nandito kami sa bahay ng kaibigan ni mommy. Birthday daw kasi ng anak nito. Dito muna kami sa Korea for 2 weeks. Pero gusto ko na bumalik ng China. Wala naman akong kakilala dito. Nagulat ako nung may biglang umagaw ng remote at pinatay ang TV. Kunot noo kong tinignan ang batang babae na nakabulaklaking dress.

"Lahat ng bata nasa labas dapat!" Masungit niyang sabi sakin. Inagaw ko lang ulit ang remote sa kanya at hindi na siya pinansin.

"Hey! It's my birthday."

"Happy Birthday." Tinatamad kong sabi at nagfocus nalang ulit sa panonood ng TV.

"Hera, bakit nandito ka sa loob?" Biglang dumating ang kaibigan ni mommy. Nilingon niya ako. "Ikaw din Kun." Binuhat niya ang nakasimangot na batang babae. Tinuro ako nung si Hera.

"Ayaw niyang makipagplay samin." Feeling ko ay maiiyak na itong si Hera.

"Kun iho. Doon ka na sa labas. Nandoon lahat ng bata." Dahil nahihiya ako kay tita ay tumango nalang ako. Masyadong mataas ang sofa nila para sakin kaya patalon akong bumaba mula dito. Binaba ni tita si Hera at nagulat ako nung bigla niya akong hinawakan sa braso. She's smaller than me pero di naman nalalayo ang agwat ng height naming dalawa.

"Let's go there! Kun oppa!" At hinila na niya ako.

Pagdating namin sa garden nila nakita ko ang maraming bata na naglalaro.

Ayokong makisali. In the end, tumalikod nalang ako at bumalik sa loob ng bahay.

Pinapanood ko ang maid namin na nagdidilig ng halaman ng maramdaman kong may bagay na nakadikit sa sentido ko.

Paglingon ko ay isang batang babae na nakahawak ng pink na baril barilan at nakangiti sakin.

"Bang!" Lumabas ang maraming bubbles kaya napapikit ako. Itutok ba naman sakin?

Kinuha ko sa kanya ang baril niya habang tumatawa siya at tinapon ito sa labas.

Gulat na gulat siyang napatingin sakin bago ako samaan ng tingin.

"Rude! Uhmm!" To my horror, she kicked my manhood. What the hell is wrong with this girl?

"Anong problema mo?" Naiinis kong sigaw sa kanya.

"Bakit mo tinapon yung laruan ko?"

"Bakit mo kasi tinutok sakin?" Ganting tanong ko.

Doon ko lang siya natitigan. Her long straight hair and her bangs suit her pale skin.

Napaiwas ako ng tingin.

I'm just 7. What am I thinking? She's not even pretty.

"Kun! Nandito sila Tita mo, kasama si Chaeyoung!" Hindi ako gumalaw. Nagpatuloy ako sa paglalaro ng Playstation ko dito sa kwarto.

Anjan nanaman yung makulit at malditang batang yun.

"Hi!" As expected bigla bigla nalang siyang pumasok sa kwarto ko at tumabi sakin.

"Uy! Gusto ko yan!" At kinuha niya ang isang controller. Napilitan tuloy akong two players ang game.

"Hindi ba pupunta sila Rosey dito?" Tanong ko kay mommy. The day that we'll go back to China.

"Nasa Japan sila ngayon." Nakaramdam tuloy ako ng pagtatampo kay Rose. Aalis nako. Ilang taon bago kami magkita ulit.

Ni minsan nga hindi niya sinabi ang pangalan ko. Laging Hoy. That girl.

As If It's My Last(NCT127 FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon