Chapter 15 - Revelation

2.3K 81 3
                                    



Saoirse read as Ser-sha


---------------------


"Do not interfere especially if you are not the King of the kingdom of Pria, Little Prince. Lady Elizabeth Saoirse Nazarbayev, first of her name, the only daughter of the king and queen, heir of the Fallen Kingdom of Relle, is now under my care and not with you, Dimitris' the family of traitors!"


Parang nalaglag ang panga ko sa narinig.


"What do you mean Saoirse?" tanong ni Prinsepe Victor saka napahawak sa kanyang ulo na parang may naaalala.


"Ah. Hindi ba sinabi ng iyong nakatatandang kapatid?" May panunuyang tanong nito dito. "Hmm, bakit kaya hindi niya ito sinabi sa iyo?"


Hindi na ako nakatiis kaya sumabat na ako sa usapan.


"Teka nga lang, ano bang pinagsasabi mo? Sinong Saoirse, anong Relle?!"


"Ah, halika dito, Lady Saoirse."


Hindi ako lumapit sa kanya sa halip ay tumabi ako sa prinsepe. "Wag mo akong tawagin sa pangalang hindi ko kilala!"


"Normal lang ang manibago sa pangalang hindi mo pa narinig kailanman, o sabihin na nating itinago ng mga tunay na nakakaalam."


"Stop this nonsense!" Ang prinsepe ang nagsalita.


"Ooh?" napangiting saad ni Jovann. "Nonsense you say?"


Parehas kaming walang masabi ng prinsepe. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Hindi iyon totoo! Walang totoo sa alin man doon!


"Ang pangalan ko ay Martinni at hindi Saoirse!"


Natawa siya bago muling nagsalita. "Alam mo bang nahirapan akong hanapin ka dahil napakagaling magbalatkayo ng magiting ninyong kawal na ngayon ay inutil na na si Julio?"


"Ha? Si papa?"


"Hindi mo siya ama. Isa lamang ninyo siyang kawal. Ang pinakamagiting na kawal ng Relle."


"Hindi totoo iyan!"


"Ikinalulungkot ko ngunit totoo iyon, Lady Saoirse."


"Hindi! Wag mo akong tawagin sa pangalan na yan sabi!"


Tumingin sa gawi ko ang prinsepe bago bumalik ang tingin kay Jovann.


Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon