Martinni's POV~
Halos lahat yata kami na naroroon ay nagulat dahil sa ginagawa ni Lady Ivory.
"Enough, Ivory." mahina at maluha-luha niyang sabi dito saka napasuka ng dugo.
"Oh my God! Guisseppe!" sigaw ni Lady Ivory na mukhang natauhan sa ginawa. Agad lumapit ang mga kawal at inalalayan ang hari na may sugat sa tagiliran. Iniharang kasi nito ang sarili upang hindi ako matamaan nung espada. Tumalsik pa sa akin ang dugo nito.
"Dalhin niyo sa punong doktor ang hari! Bilis!" si Victor ang nagsalita.
"I'm sorry...I'm sorry! Oh my God! I'm sorry!" parang wala na sa sariling hinging paumanhin nito habang nakatingin sa mga dugo na pumapatak mula sa sugat ng hari.
Nanatili lamang akong walang kibo sa gilid.
Ngumiti ang hari kahit na nahihirapan dahil sa sugat na nakaharap kay Lady Ivory.
"I'm sorry too." saad nito at humarap kay Victor. "Bring Ivory to her room."
Agad naman tumango ito sa iniutos ngunit umatras si Lady Ivory.
"N-no...this is...so...painful..." sabi nito at walang tigil sa pag-agos ang kanyang mga luha.
Bahagyang napangiti ang hari. "Magpahinga ka na muna, Ivory."
"I'm...I'm so sorry, my king...I'm so so sorry."
"It's alright..."
"It's unbearable... So painful... So heartbreaking... It's making me crazy...and now I... "
"Don't worry about it...for now just... " Hindi na natuloy ng hari ang sasabihin sana dahil sa sunod na ginawa ni Lady Ivory.
Inihulog nito ang sarili sa bintana habang nakatingin sa hari at humihingi ng patawad.
"I-Ivory!"
Hindi ako nakagalaw sa ginawa nito. Mabilis na tinakbo ni Victor ito ngunit hindi na niya naabutan.
Isang kalabog na lamang ang narinig ko na ibig sabihin ay tumama na ang katawan niya sa lupa.
"N-n-no...no! Ivory! Ivory! Ivory!" walang tigil at paulit-ulit na tawag ng hari sa pangalan nito. Pilit niyang kumawala mula sa pagkakaalalay ng mga kawal sa kanya. Binitiwan naman siya ng mga kawal at kahit nahihirapan dahil sa sugat ay tinungo ang kinaroroonan ng bintana at lalong nalugmok ng makita ang wala ng buhay ni Lady Ivory.
Napakalakas ng hiyaw nito dahil sa pighati na nararamdaman. Maski ako na nakatingin dito ay damang-dama ang hinagpis ng hari.
Ito na yata ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay nito at pinakamahina niya na sandali.
Lumapit sa kanya si Victor at sinuntok siya sa sikmura ng pagkalakas-lakas dahilan upang magulat at mawalan agad ng malay.
Hindi ako nakakilos sa ginawa nito sa pagkagulat.
Bago pa bumagsak ang hari ay inalalayan niya ito agad. Ang ulo nito ay nasa bandang balikat niya.
Tatanungin ko na sana ito kung bakit niya iyon ginawa pero hindi ko naisatinig nang makita ang mga mata ni Victor. Naroon ang mga luha na kanyang pinipigilang mahulog.
"Victor..." halos hindi ko maisaboses ang pangalan nito.
"Dalhin niyo ang hari sa kanyang silid at gamotin." utos nito sa mga kawal na agad din namang sinunod. Pagkatapos ay napatingin ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.