Chapter 19 - Concubine

2.2K 83 5
                                    


+++Victor's POV+++


"What?" Tanong ko sa hari.


"Nahulog sa hagdan ang reyna."


Hindi ako kumibo sa sinabi niya.


"It is impossible now for the queen to carry an heir after falling dow the stairs."


"At ano ang ibig mong sabihin?"


"I need an heir asap for the sake of the kingdom. And I'm gonna make Martinni carry an heir of this kingdom."


"What the..."


"As soon as possible."


No!


"Yes." Kalmadong pa nito. "Para din ito sa kapakanan ng ating kaharian.


No!


"Para sa kaharian, Victor."


No!


"Victor..."


No!


"It's for the sake of the kingdom! Mailalayo na natin siya kay Jovann, matutupad pa natin ang huling kahilingan ng hari ng Relle."


"For the sake of the kingdom but not like this!"


Pinaglalaruan ba ako ng kapalaran? Isang sira ulong hari sa kabilang kaharian kukunin si Martinni dahil naipangako ito sa kanya matagal na panahon na ang nakararaan at ngayon naman, aanakan ng kapatid ko upang maisalba ang kaharian namin!


"There are still lots of girls out there, why her?!"


"Victor! Think like a Prince... It's for he own s..."


Hindi ko na hinintay na matapos ang sasabihin niya at lumabas na ako. Kahit ano pa ang sabihin niya. Tiyak na matutuwa si Martinni kapag nalaman ito dahil may gusto ito sa hari.


Napakuyom ako ng kamao sa mga nalaman.


Pagalabas ko ay nakita kong nakasandal si Martinni sa dingding malapit sa pinto. Umiiyak ito.


"Martinni..."


Narinig niya kaya ang sinabi ng hari? Ah, malamang masaya ito. Tears of joy.

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon