+++Victor's POV+++
"Mahal na Prinsepe, nawawala po si Lady Martinni!"ani ni Trist. Ang kawal na itnalaga kung magbantay dito.
"Huh?"
"Bigla nalang po siyang nawala sa paningin ko."
"Baka nandiyan lamang. Hanapin mong maigi."
Sinubukan kung tumayo mula sa pagkakahiga.
"Ah, wag na po kayong tumayo. Hahanapin ko nalang po uli."
Hindi na ako tumugon pagkasaad niya noon saka sinenyasan ko na lumabas.
Hay, sakit sa ulo. Ba't ngayon pa ito nawala. Ano bang iniisip ng babaeng yon?
Nakarinig ako ng mahinang katok sa pinto bago bumukas. Iniluwa niyon si Tito Ferdinand dala dala ang mga nagkapatong patong na papel.
"Ipagpaumanhin mo, pero kahit na nagpapahinga ka, kahit man lang mapirmahan mo ang mga papeles na ito para maipamahagi na ang budget sa lugar na nadamay sa pag atake para maiayos agad."
Hindi ko maiwasang hindi mainis saka napabuntong hininga nalang at inabot ang panulat saka pinirmahan iyon.
"Ang lalaking...tumira sa iyo ng pana..." panimula ni Tito Ferdinand. "...mayroon iyong simbolo na..."
"Espadang pinagcross sa bandang balikat ng suot nito." Dugtong ko.
"Hindi ko maintindihan kung ano ang kailangan nila. Hind ko pa rin alam ang kanilang pagkakakilanlan."
Hindi na ako muling nagsalita pa pagkatapos ni Tito Ferdinand magsalita. Natapos ko na rin ang mga papeles na pinapipirmahan niya at bago ito tuluyang makalabas ay nagsalita.
"Nakita ko si Martinni kaninang tumatakbo pababa ng hagdan. Anong nangyari?"
Hindi ko siya sinagot. Ipinagkibit balikat nalang niya ang hindi ko pagsagot saka lumabas na.
Ilang minuto ang lumipas ay tumayo ako na ako dahil nangangawit ang likod. Sakto namang siya ding pagdaan ni Trist sa pintoan pagkalabas ko.
"Mahal na Prinsepe, hindi po kaya nakalabas si Lady Martinni ng palasyo?"
"Hindi yon makakalabas. Hanapin mo. Nandiyan lang yan." Paglasabi ko niyon ay muli naghanap ang kawal sa kanya.
++++++++++
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)
FantasíaI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.