Chapter 43 - Summoning

1.2K 45 4
                                    



Dumating ang pari. Tinuonan ito ng espada ng punong kawal kaya lahat ng sinasabi nito ay sinusunod.

Binuksan ng dalawang kawal ang kulungan na kinaroroonan ko at pilit na hinila palapit sa pinagkulungan nila ni Victor.

"Bitiwan ninyo ako!" pero mahigpit ang pagkakahawak nila sa akin.

"Simulan mo na." utos ng punong tagapayo sa pari.

Nagsimula na ito sa seremonyas ng pag-iisang dibdib hanggang sa tinanong na nito si Victor.

"Tinatanggap mo ba si Martinni bilang iyong magiging kabiyak?"

Matalim na tingin ang ipinukol ni Victor sa punong kawal.

"Sagot!" singhal nito.

"Hindi sa ganitong paraan..." parang nagbago ang boses ni Victor habang nakatingin sa akin. Nag-aalala, nag-aalinlangan.

"Umo-o ka."

"Wag niyong ipilit..."

Kumuha ng espada ang punong kawal at itinapat iyon sa pisngi ko.

"Wag mo siyang sasaktan!"

"V-victor..."

"Oo! Tinatanggap ko! Pero hindi sa ganitong paraan!" sigaw nito na parang gustong wasakin ang rehas.

"Ikaw Martinni, tinatanggap mo ba ang hari upang maging kabiyak?"

Tumulo ang luha ko. Makakaisang dibdib ko nga siya ngunit sa ganitong paraan pa. Ang bigat sa loob.

"Oo." mahina kong sagot. "Tinatanggap ko."

Hindi ko na pinansin ang mga sumunod na sinabi nito. Binuksan nila ang pinto ng pinagkulungan ni Victor at itinulak ako papasok.

"You two, produce an heir."

Saka lumabas na sila doon.

Walang tigil sa pag-agos ang mga luha ko.

"Victor..." hindi ito tumitingin sa akin. "Victor...ano ba ang kasalanan ko? Bakit kahit anong gawin ko hindi ko nararamdaman ang pangmatagalang kasiyahan?"

Hindi ito umimik.

"Victor...sabihin mo. Ano ba ang nagawa ko? Kung hindi nalang sana kita minahal. Kung nanatili nalang siguro akong isang tagapagsilbi malamang maayos pa ang lahat. Masaya pa ang lahat. Buhay pa sana si Giuseppe. At ikaw, marahil hindi ka maghihirap ng ganito."

"Martinni..." sa wakas nagsalita na ito. "Wag ka nang umiyak. Ayokong nakikita kang nasasaktan. Wag kang mag-alala. Makakalabas ka dito. Ilalabas kita dito."

"Nawawalan na ako ng pag-asa."

"Ngayon ka pa ba mawawalan? Andami na nating napagdaanan."

"Nakakapagod na kasi. Ayaw tayong pagpahingahin ng pagkakataon. Nakakatakot sumaya kahit sandali dahil bukas makalawa may mangyayari na namang hindi maganda na parang binabawi ang naramdaman mong saya. Nakakapagod, Victor. Nakakapagod."

"Ssshhh..." lumapit ito sa akin at yumakap. "What they did is unforgivable."

Umiyak lang ako ng umiyak. Walang katapusang pagdurusa ito. Nakakapagod na. Nasagad na ang pasensya ko. I can't take more. I'm at my limit.

Matatapos pa ba ito? Sana man lang malaman ko para may hihintayin ako sa dulo kasi kung wala mas mabuti na sigurong mamatay nalang.

"Martinni?"

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon