Ilang oras na mula ng umalis ang Prinsepe papuntang palasyo pero hindi pa rin nawawala ang init na nararamdaman ko sa katawan. Hindi ko makalimutan ang ipinadama niyang bago sa akin kanina. Palagi siyang pumapasok sa isip ko kahit na pilitin kong iwaglit sa isip. Ang mga halik na pinagsaluhan namin kanina at ang ginawa niyang iyon sa akin. Hinding-hindi ko iyon makakalimutan.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at naroon ang pulang marka na nasa leeg ko. Para naman akong nakadama ng kasiyahan na isiping siya ang may gawa nito. Na para bang ito ang marka niya at hindi ako pwedeng makuha ng iba.
O baka imahinasyon ko lang? Oo at sinabi kong unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Eh siya kaya?
Yes, he might said Be my bride but I don't think that's because of love. Imposible nga naman. Nasabi niya lang siguro yun dahil sa awa.
Napabuntong hininga akong napatingin sa paligid. Oo nga pala. Maglilinis nalang ako ng buong kabahayan habang wala pa siya.
Nakakatuwa, para kaming bagong mag-asawa nito. Kami lang dalawa sa isang bahay.
Nilinis ko na ang buong kabahayan ngunit may isang kwartong hindi ko mabuksan. Ikinibit balikat ko na muna iyon at tinapos ang paglilinis bago binalikan. Naghanap ako ng maaring gawing pambukas sa nakalock na pinto at sinubukang buksan iyon. Nagtagumpay naman ako at namangha sa nakita sa loob.
There are lots of wine inside. Tiningnan ko kung sira na ngunit hindi pala. Ang wine nga pala habang tumatagal lalong gumaganda ang lasa. Kumuha ako doon ng isang wine na may larawan ng ubas saka isinarang muli ang pinto.
Alam ko na. Maghahanda ako ng hapunan para mamaya kung bumalik ang prinsepe ay sabay kaming kakain. Ilalagay ko din itong wine sa mesa.
Hapon na kaya kinuha ko ang isdang kuha niya kanina nung nandoon siya sa talon bago pa man ako dumating at niluto iyon. Maraming makukuhang gulay dito sa gubat kaya naglibot ako sa paligid baka may makita akong pwedeng ihalo sa isda.
Madilim na ang paligid ngunit hindi pa din dumadating ang prinsepe.
Baka may ginagawa lang.
Oras na ang lumilipas ay wala pa din ang prinsepe. Siguro marami lang itong gnagawa sa palasyo. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa paghihintay.
Nagising ako ng makaramdam ng lamig.
Anong oras na ba?
Tumingin ako sa labas baka maaninag ko ang prinsepe na papunta na dito ngunit wala pa rin. Hindi ko maiwasang malungkot na isiping ako lang mag-isa sa gitna ng gubat na ito. Maganda ang lugar kapag umaga ngunit kabaliktaran naman kung gabi. Mga nakakatakot na huni ng hayop ang maririnig mo kapag ganitong oras.
Umaga na ng magising akong muli. Agad akong bumangon at tumingin sa labas upang tingnan kung dumating na ba ang prinsepe ngunit wala pa rin. Nagsisimula na akong kabahan.
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.