'Victor? ' nakita ko itong nakatingin sa akin at nakangiti. Akma ko itong lalapitan ngunit tumalikod ito.
'Teka lang.'
Pero habang sinusubukan ko itong habulin ay palayo ito ng palayo hanggang sa hiningal na akong habulin ito.
'Victor!' nilakasan ko ang pagtawag sa pangalan.
Huminto ito saka lumingon muli sa akin at ngumiti.
"Hintayin mo ako."
Pagkasabi ko niyon ay nag-iba ang paligid. Humangin ng malakas at nililipad ang kulay pulang mga bulaklak. Nang tinitigan kong maigi si Victor ay bigla na lamang itong sumuka ng dugo at napatingin sa tiyan kung saan mayroong espada na tumagos doon sabay ng pagsuka niya ng dugo."
"Victor!!!"
"Kamahalan..."
Napalinga ako sa pinanggalingan ng boses. Si Trist. Napansin ko ang espadang nasa bewang nito.
Nakahiga ako sa sarili kong silid.
"Anong nangyari?" tanong ko saka sinubukang bumangon ngunit nanghihina ako.
"Mahiga nalang po muna kayo."
Sumagi sa isip ko si Victor.
"Hindi. Kailangan kong pumunta sa gate. Hihintayin ko si Victor."
"Hindi na po siya babalik."
"Babalik siya! Ano ka ba?!" saka nagpumilit bumangon ngunit agad na pinigilan ako ni Trist. "Ano ba?"
"Hindi po kayo maaaring maggalaw-galaw."
"At bakit hindi?"
"Because you're pregnant, Martinni." boses ng hari na kakapasok pa lang.
Hindi ako nakaimik. Wala akong masabi.
Nagdadalang-tao ako?
Napatingin ako kay Trist ngunit nagyuko ito. Binalik ko ang tingin ko sa hari. Nagtatanong. Pero ang mukha nito ay kagaya lamang ng dati. Mukha ng isang hari na marunong magkubli ng totoong intensyon.
"Pero paano si Vic-"
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.