Nang nagsilabasan na ang mga tao sa loob ng pulong ay saka ako pumasok at agad na iniabot ang sulat na nakita ko sa silid ng dating hari.
"What the hell was he thinking?" gulat na gulat na tanong nito pagkatapos basahin ang sulat.
Nalulungkot ako. Nawala ang galit na nararamdaman ko dito at sa tingin ko ay ganoon din ang nararamdaman ngayon ni Victor.
"Victor..."
Hindi ito umimik at mukhang malalim ang iniisip.
"Hindi ko alam na ganoon pala kabigat ang nakaatang sa balikat nito."
"Ako rin." sagot ko.
"Wala akong alam sa totoong kalagayan nito. Sarili ko lang ang inisip ko!"
Hindi ako umimik.
"Kawawa ang kapatid ko. Naging kontrabida siya sa paningin ko gayung ang totoo ay...ginawa lamang niya ang tingin niya ay makakabuti."
Yumuko ako. Oo tama ito. Sarili nga lang namin ang inisip namin. Naging makasarili kami.
"I decided. I'll talk to this demon, Beelzebub!"
"Ano? Alam mo ba kung ano ang sinasabi mo? Paano mo gagawin?!"
Hindi niya ako sinagot. Sa halip ay mabilis na naglakad palabas. Kung saan ito patungo ay hindi ko na alam.
Victor's pov ~
I head to the convent and meet with a priest. I need to know how to communicate with this demon!
Napahinto ako sa paglalakad ng maalala ang isa pang demonyo na nakilala ko. Si Astaroth.
'Paano ko makakausap muli si Astaroth?'
Walang mangyayari kong pag-iisipan ko pa kung paano. Nagpatuloy na ako sa paglakad hanggang sa narating ko ang kombento.
"Kamahalan..." agad yuko ng pari pagkakita sa akin.
"Tell me how to summon a demon!"
Natulala ito at nanlaki ang mga mata sa tinuran ko.
"Anong pinagsasabi ninyo kamahalan?"
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.