Epilogue

2.8K 109 30
                                    


Where am I? Ah,  I died. I look at my hands and touch my face, I look young I presume. I look around and saw people forming a line and before I walked to that path I remember everything about her.

Her name was Martinni. My love, my queen, my wife. How can I forget her?!

"Victor?"

"Astaroth..."

"Dumating ka na pala. Naaalala mo pa ba ang kasunduan natin?"

Tumango ako.

"Sumabay ka na sa akin papunta doon. Pabalik na rin kasi ako." saad nito saka nauna nang naglakad.

Habang naglalakad ay tinanong ko siya.

"May gusto lang akong malaman, baka alam mo ang sagot."

"What is it?"

"Martinni...I can't believe I forgot her but when I arrived here, I remember everything about her."

"Ah, that. That's the consequence of choosing hell."

Napahinto ako sa paglalakad. "What do you mean?"

"She's in hell too."

"Does that mean I can meet with her?"

"No. Hell is a vast place."

"But why did I forget her?"

"It's the consequence."

"Hindi ko maintindihan."

"Nakikita mo 'yang mahabang pila na 'yan? Pagdating nila doon sa main gate bibigyan sila ng pagkakataong mamili kung langit o impyerno. Kapag pinili mo ang langit ay makakalimutan mo lahat ng mapapait mong alaala noong nabubuhay ka pa pati mga kakilala mo. Wala kang maaalala ni isa sa buhay mo noong nabubuhay ka pa ngunit ang kapalit naman ay palagi kang maaalala ng mga mahal mo. And you can be reincarnated."

"That's...sad."

"I know. Ngayon, kapag ang pinili mo naman ay impyerno ay mananatili sa iyo ang alaala mo noong nabubuhay ka pa ngunit kung anong sakit ang hatid niyon sa iyo ay paulit-ulit mong mararamdaman iyon. Bagaman maaalala mo rin ang mga masasayang alaala ay mas mananaig ang sakit sa mga mapapait na alaala. Isa pa, lahat ng nakakakilala sa iyo noong nabubuhay ka pa ay malilimutan ka. Katulad ng nangyari sa iyo na hindi mo siya naalala."

Hindi ako nakaimik sa mga sinabi nito. Iniintindi ko bawat salita.

"Kung ganoon, palagi kaming naaalala ni Martinni?"

"Ganoon na nga."

Mahabang katahimikan ang dumaan. Hindi ako nagsalita. Pinagmasdan lang ako ni Astaroth.

"Help me meet up with her. Just this once."

Tinitigan lang niya ako.

"Follow me." He opened the door.
"Welcome to hell, Victor."

"Wait...help me."

"I will. So follow me."

Sumunod lang ako sa kanyang pumasok. Isang napakahabang hagdan pababa ang tinahak namin. Hindi ko alam kung gaano katagal iyon hanggang sa narating na namin ang pinakababa. Sumunod lang ako dito hanggang sa narating namin ang isang dingding na may napakaraming pinto na nakahilera.

Tiningnan niya ito hanggang sa binuksan ang isa sa mga iyon. Agad akong sumunod pagkapasok.

"Astaroth? What are you doing here?"
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Si Beelzebub!

"Oh, hello too, Victor. Welcome to my place." bati niya ng mapansin ako.

"Where's Martinni?" Agad kong tanong.

"Why?"

"I wanna talk to her."

"Hmm...no."

"Please!"

"No."

"Beelzebub, I have a proposal to you."
ani Astaroth.

"What is it?"

"Let's talk in private."

Ilang minuto ang lumipas mula ng umalis silang dalawa at nag-usap at bago mag-isang oras ay nakabalik na.

"Let's go meet Martinni." ani Astaroth.

"Anong pinag-usapan niyo?"

"Nothing." saka naglakad na.

Nakarating kami sa isang silid na purong salamin ang dingding kaya nakikita ko ito sa loob. Pero mukhang hindi kami nakikita sa labas. Naririnig namin ito mula sa labas.

"I'm sorry, Victor. Patawarin mo ako...patawad."

Mukhang nahihirapan na ito. Pinipiga ang puso ko sa kalagayan nito ngayon.

Napatingin ako kay Astaroth.
"Ang mahal ko..."

"She's suffering. Old memories are flashing back. It always happen."

"What do you mean?"

"Simula ng napunta siya dito ganyan na siya. The memories are hunting her."

"Simula nang...that was very long time ago!"

"Yes."

"She's suffering that long?"

"She'll be doing that forever. And forever is forever. It won't end."

"Bakit siya dinala dito ng demonyong iyon!?"

"They may be form a pact. Plus it attracts him. The feeling of despair fascinates him. Look." sabay turo sa napakaraming salamin na silid na nakahilera. "Bawat silid mayroong tao sa loob, umiiyak, nasasaktan, puno ng pagsisisi, at lungkot."

"Ilabas natin si Martinni dito!"

"No." boses ni Beelzebub. "Pinagbigyan ko na kayong makalapit sa mga koleksyon ko, aabusohin mo pa."

"Koleksyon!?"

"Can't you hear it? Their cry are music to my ears. They're giving me eargasm. Haha."

"Ilabas mo si Martinni dito!"

"No."

Hindi ko maintindihan pero napakabilis napuno ng galit ng puso ko. Gustong-gusto kong ilabas si Martinni dito.

Nararamdaman kong lumalakas ako, ngunit nakatoon lang ang atensyon ko kay Beelzebub na nakangiti lang.

"Stop!" saway sa akin ni Astaroth.

"Bakit mo siya pinahinto?" tanong ni Beelzebub. "I wanna see him turn into a demon like us."

Mabilis kung tinawid ang pagitan namin at sinuntok ito. Hindi ito nakailag sa pagkabigla.

"What the...hell!?" inis na saad ni Beelzebub.

"What's happening here?" napahinto kami at napalingon sa pinanggalingan ng boses.

"Lucifer!" nakangiting wika ni Beelzebub at Astaroth.

Napatingin ito sa akin.

"Bakit may tao?"

"Ah, he wanted to freed her." ani Astaroth sabay turo kay Martinni.

"No. I won't allow it!" tanggi ni Beelzebub.

"Hmm...it would be the first if ever we allow it." Ani Lucifer. "But why not?" nakangising wika nito.

Nagulat naman ako sa sinabi nito.

"No!"

"Why no?  If I'm not mistaken you illegally took her soul to bring her here."

"We made a pact."

"Pact that leave her no choice. Tsk."
"Will you really allow her to be sent to heaven?" may nabubuhay na pag-asa sa puso kong tanong dito.

"We'll never know if we won't try." tumingin ito kay Beelzebub. "Gawin mo ito at kakausapin ko si Ama na lakihan ang teritoryo mo dito sa impyerno."

"Waw! Not bad. Okay. You can do as you wish. Here." sabay abot sa susi.
"Bye. Dumaan lang talaga ako dahil may naamoy akong bagong dating." saad ni Lucifer habang nakatingin sa akin saka tumalikod na. Sumunod naman si Beelzebub dito.

"Paano natin mapapapasok sa langit si Martinni? Baka hindi ito pumayag kung hindi ako kasama?" tanong ko kay Astaroth.

"We'll fall in line, send her first make her believe you'll follow."

I'm betraying her if that is but I don't have a choice.

Pagkabukas ng pinto ay hindi man lang ako napansin ni Martinni. Sobrang lungkot ng mukha nito. Agad ko itong niyakap.

"Ssshhh...I'm here. Hushh."

"Victor?" mahinang tanong nito.

"Yes, my love?"

"Victor...why are you here?"

I wiped her tears before answering.
"It's been a long time. I'm already dead." nakangiti kong wika dito. "I'm so happy I meet you here."

"Oh..." mahigpit din itong yumakap sa akin.

"Let's get out of here."

Lumabas na kami kasama si Astaroth. Napakahaba ng pila. Marami itong tinanong sa akin tungkol kay Ysobelle. Natutuwa siya ng malamang ikakasal na ito. Na sana makikita niya.

Napakarami naming napagkwentohan. Napakahaba ng pila ngunit parang hindi iyon sapat upang mag-usap kami ng kung anu-ano pa.

Hanggang sa natapat na kami sa tagabantay sa itaas sa main gate na nakaputi at may hawak ng malaking libro.

"Pangalan?"

"Martinni."

"Martinni?" ulit nito saka hinanap ang pangalan sa libro saka kumunot ang noo.  "Sigurado ka bang Martinni ang pangalan mo?"

"Elizabeth Saoirse Nazarbayev." ako na ang nagsalita kaya napatingin sa akin ang tagabantay pero agad ding yumuko at hinanap ang pangalang binanggit ko sa libro.

"Ah, andito. Dahilan ng pagkamatay, para sa kapakanan ng kanyang asawa, anak at kaharian."

Muli, nakaramdam na naman ako ng sakit sa dibdib. Ganoon pala ang dahilan kaya nagawa niya ang mga ito.

"Mamili ka, langit o impyerno?"
Tumingin muna sa akin si Martinni at ngumiti. "Hihintayin kita doon ha?"
Tumango lang ako at ngumiti.

"Langit." sagot nito. Nagsalita pa ang tagabantay bago binuksan ang pinto papunta sa langit.

"I love you, Martinni."

"I love you too." saka pumasok na sa pinto. Kumaway pa ito sa akin bago tuluyang sumara.

"Pangalan?" tanong sa akin ng tagabantay.

Hindi ko ito sinagot sa halip ay kumalas ako sa pila kasama si Astaroth at sumunod na dito pabalik.

"You can cry." saad nito sa akin.

"No. I'm happy, actually. She's free now. She's no longer attached to her memories. Ang totoong ikinakasaya ko ay sigurado akong naaalala na siya ngayon ni Ysobelle."

"But they'll forget you."

"It doesn't matter. As long as she's happy, I'm happy."

"Well, yeah. Pagmahal mo, gagawin mo lahat."

Tumango lang ako sa kanya.

Nothing is permanent. Kung malungkot ka ngayon, sasaya ka sa mga susunod na araw. Parang binabalanse lang ng buhay ang state of emotions mo.

I was too attached to material thing, like the kingdom and I didn't realize it was what's burdening me.

I misunderstood a lot of people and that includes my brother, Giuseppe. And speaking of him, I'm happy to know that he chose heaven. I know since I can remember him when I was still alive.

Parehas kaming nagkamali. Hindi ko siya naintindihan dahil hindi niya naman ipinaintindi. Wala rin siyang sinabi. Kung nalaman ko lang ng mas maaga ang totoong sitwasyon edi sana natulungan ko itong maayos pa. Pero hindi. Sinarili lang ang suliranin.

Simple lang ang solusyon sa mga problema kung tutuusin. Tayong mga tao lang naman ang nagpapakakomplika.

Kung mahal mo, sabihin mo. Wag mong itago. Life is short. Paano mo malalaman ang sagot kung hindi mo tatanungin, diba? Habang buhay ka nalang bang maghihintay?

Kailangan lang talaga ay tapang. Mga matatapang lang ang kayang magmahal.

And love is so powerful. It can be a blessing or a curse. It can empower the weak and weaken the strong. It is painful yet beautiful. You cannot love without understanding pain. It's a sweet torture.

I hope for Martinni's next life, she'll be blessed. I hope she won't experience the same pain I gave her.

Love is about giving what's best for them.

Love is complicated. I love her but we must part ways.

Just because I let her go there alone doesn't mean I don't care. It's what I think would be best for her.

That's my love.

That's how I love.

Though parting is sad that's part of it.
We need pain to understand life. We need love to embrace life.
Because after all, that's life.


~ END ~

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon