Chapter 1 - A ball

6.8K 182 13
                                    

Where the ball will be held

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Where the ball will be held


++++++++++++++++++++


5 years Earlier ~


+++ Martini's POV +++


Napabuntong hininga ako habang nakamasid sa napakabusy na paligid. Lahat ng mga naninilbihan ay may kanya-kanyang ginagawa at organisadong tingnan dahil parehas kaming lahat na nakauniporme. May naglilinis sa napakalaking bintana, may nagpapakintab sa hagdanan, may nag-aayos sa mga chandelier, mga mesa na inilalagay kung saan dapat inilalagay, mga bulaklak na iniayos sa bawat mesa, at ako naman, kasalukuyang binubuhat ang mga pinggan upang ilagay sa mahabang mesa.


Nakakangawit dahil kanina pa ako pabalik-balik na naghahakot ng mga pinggan kaya umupo muna ako sa isang silya. Pero kakaupo ko pa lang ay agad akong nilapitan ni Crisilda. Punong tagapagsilbi dito sa plasyo.


"Aba aba anong inuupo-upo mo diyan? Nakakahiya sa iyo habang ang iba ay abalang-abala na naglilinis." Matinis at mataas na boses nitong saad.


Nagbuntong hininga nalang ako at tumayo upang ipagpatuloy ang aking trabaho. Pumunta ako sa may kusina upang kunin ang iba pang mga pinggan na gagamitin para sa pagtitipon na gagawin mamaya.


Habang papunta ako sa kusina ay napadaan ako sa bintana at nahagip ng mata ko ang dalawang tao na nag-eensayo ng pakikipag espadahan. Si Haring Guiseppe at ang kanyang nakababatang kapatid na si Prinsepe Victor.


Hindi maikakailang napakakisig na lalaki ang dalawang magkapatid dahil siguro ito sa araw-araw nila ng pag-eensayo kaya nahubog ang kanilang mga katawan. Walang araw na hindi ito nag-eensayo na para bang anu mang oras ay iniisip nito na may aataki. Kung may malalapit man dito ay makikita sa mata nito ang pagiging alerto.


Huminto muna silang dalawa sa ginagawa at napatingin sa akin si Prinsepe Victor. Walang makikitang emosyon sa mukha nito na para bang pasan nito ang mundo.


Nang napansin ng hari ang ginawa ng prinsepe ay nilingon din niya ako. Bahagyang nagtama ang aming mga mata kaya agad akong yumuko at lumakad na papunta sa kusina upang ipagpatuloy ang ginagawa.


Naabutan ko sa kusina ang mga tagapagluto na abala sa paghihiwa ng mga sangkap na gagamitin sa mga putahi mamaya.

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon