Chapter 36- Kingless Kingdom

1.5K 61 13
                                    


Martinni's POV ~



Kalalabas lamang ni Trist nang tumunog ang kampana ng palasyo. At base sa tunog nito ay nang-aalarma. Agad akong dumungaw sa bintana at nakita ang mga kawal na nagtakbohan. Naroon ang iba na nakabantay sa mga labasan.


'Anong nangyayari?'


Mabilis kung tinungo ang pinto ngunit nakalock ito sa labas. Sakto naman na bumalik si Trist at binuksan iyon.


"Kamahalan!"


"Anong nangyayari?"


"Ang Mahal na hari...pinatay."


Nabigla ako ngunit sandali lamang saka ngumisi at tumawa.


"Kamahalan..."


Natatawa pa rin ako sa narinig. "Sino naman ang gumawa?"


"Hindi ko po alam."


Biglang nagsidatingan ang mga kawal at lumapit ang mga ito sa akin.


"Anong kailangan niyo?"


"Sumunod nalang po kayo." sagot nung isa saka hinila na nila ako palabas.


"Bitiwan niyo ako!"


Ngunit parang walang narinig ang mga ito kaya nagpumilit akong pumiglas.


"Bitiwan niyo sabi ako!" ngunit nagpatuloy lang sila sa ginawa.


Hindi nalang ako nagpumilit at nagpaubaya nalang hanggang sa dinala nila ako sa opisina ng Punong taga-payo.


"Anong ibig sabihin nito?"


Sumenyas ang punong taga-payo sa mga kawal at lumabas sandali.


Sinundan ko lang ng tingin ang mga kawal pagkalabas saka narinig na tumikhim ito kaya binalik ko agad ang tingin dito.


"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko sa kanya.


"The king is dead."


"Sino ang gumawa niyon?"


Hindi ito agad sumagot sa halip ay tinitigan lamang ako nito. "Hindi ba't malaki ang galit mo sa hari? Hindi iyon lingid sa kaalaman ng mga naririto sa palasyo."

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon