Chapter 27 - Who Will Die?

1.7K 60 0
                                    


"What do you mean by that?" tanong ni Jovann.


"Simple. And literal."


Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin at sa tinging iyon ay mukhang nakuha na niya ang ibig kung sabihin.


"No you didn't."


"Yes, I did." Pagkasagot ko ay tumawa ito na parang baliw.


"Hope you won't regret it."


"Hinding hindi ko iyon pagsisisihan."


"Kahit pa ikasira ng kaharian niyo?"


"Subukan mo!" at pagkasabi niyon ay agad inatake si Jovann na agad din namang nakailag.


"It's too late for this kingdom." Saad nito.


"Paano mo nasabi iyan?"


"Nawalan na ng pag-asa ang inyong Reyna. Hindi mo ba alam kung gaano iyon kasakit makita na ang iyong minamahal ay kinakasal sa iba kahit pa sabihin mong hindi dahil sa pagmamahal?"


"At paano naman nasali sa sinasabi moa ng reyna?"


Tumaw muna ito bago sumagot. "Dahil ang reyna niyo lang naman ang mismong nagsabi sa kawal ko na kasalukuyang ikinakasal na noon si Lady Saoirse at si Guiseppe. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ko malalaman."


"Anong..."


"Nagulat ka ba? Ngayon tungkol naman kay Lady Saoirse, you took her already you said? Mas mabuti dahil hindi na siya masyadong masasaktan sa akin kapag sa kanya ko naman ginawa ang bagay na iyon." Sabay tawa nito.


Nagpupuyos sa galit ang puso ko. Gustong-gusto ko siyang patayin ngayong sandali na ito.


"Sa akin naman na talaga si Lady Saoirse sa una pa lang. Ginulo nyo lang mga Dimitri."


"Baliw ka na."


"Ako? Baliw? Baliw kayo at mas baliw ang hari niyo dito!"


Akma ko siyang susugurin muli gamit ng aking espada. Gustong-gusto kong itarak ito sa puso niya ngayon na ngunit hindi ko napansin na napalibutan na pala kami ng mga kawal niya.


Nakatoon ang mga espada ng mga ito sa leeg ko habang ang iba naman ay sa puso ko.


"Relaks lang. Si Lady Saoirse lang ang sadya ko dito. Well, maliban sa kaunting pagsira sa inyong palasyo." Saka naglakad papunta sa silid kung saan naroon si Martinni. Wala pa itong malay hanggang sa ngayon at kasalukuyang lumalapit dito ang hayop na si Jovann. Ang doktor naman na nasa tabi ni Martinni ay napaatras sa takot.

Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon