Hindi umalis sa silid ang hari hangga't hindi ako tumahimik. Hinayaan lamang niya akong umiyak ng umiyak. Hindi siya nagsalita at tiningnan lamang ako. Kung sa iba sigurong pagkakataon, kung wala sigurong mga masamang nangyari bago ang lahat ng ito ay marahil lalambot ang puso ko para sa hari dahil sa ipinakita nito. Pero hindi eh. Nangyari na.
"Ah, I forgot to mention. Tonight is full moon."
Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin nito.
"And it's in our tradition to consummate during that time as it brings luck to the couple."
Napatanga ako sa sinabi niya.
'Tonight?'
"So...be ready." saka umalis.
I need to find Victor.
'Ano naman ang sasabihin ko?' tanong niya sa isip.
I cannot do it...but I must...ang hirap.
Makailang minuto mula nang lumabas ang hari ay lumabas din ako. Nagtangka pang samahan ako nang tagapagsilbi pero sinaway ko ito.
Hahanapin ko si Victor kung nasaan man ito hanggang sa nakasalubong ko ang punong tagapayo.
"Nakita niyo po ba ang mahal na prinsepe?"
"Nandodoon sa kanyang silid."
"Maraming salamat po." saka mabilis kong tinungo ang silid nito.
Pagkarating ay mayroong kawal na nagbabantay doon. Si Trist.
"Trist!"
"Kamahalan." Agad nagyuko ito pagkakita sa akin.
"Kakausapin ko si Victor."
"Pasensya na po pero bilin ng hari na wag kayong magkita ng prinsepe."
"Sandali lang, pakiusap."
"Ipagpaumanhin niyo po. Hindi ko maaaring sawayin ang hari."
"Let her in." ani ng boses mula sa loob.
"Pero po..."
"Let her in, Trist."
Walang nagawa si Trist kundi pagbuksan ang pinto para makapasok ako. Naabutan kong nakaupo si Victor sa may bintana at malayo ang tanaw.
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.