+++Matinni's POV+++
Nagising ako ng makarinig ng kalabog sa labas ng kwarto. Wala sa tabi ko ang prinsepe kaya napatayo ako. Saka ko lang naalala na wala pala akong suot na damit dahil agad akong nakatulog kanina.
Kinuha ko ang kumot at itinapis iyon sa aking katawan. Tumingin pa ako sa bintana upang tingnan kung anong oras na ngunit base sa nakita ko ay hindi pa nag-uumaga. Madilim pa sa paligid.
Isang kalabog muli at aking narinig mula sa labas kaya agad akong lumabas upang tingnan iyon at saktong paglabas ko ay nakita ko ang prinsepes natumba at may dugo na sa gilid ng bibig habang sapo-sapo ito.
"Mahal na prinsepe!"
"Martinni!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Saka ko lang napansin na naroroon ang hari at may kasama itong mga kawal.
"K-k-kamahalan...!"
"What did he do to you?!"
"W-wala po...kamahalan..."
Nilapitan nito ang prinsepe at sinuntok muli. "How dare you! What have you done!?"
"Hah." Tumayo ang prinsepe at pinunasan ang dugong dumadaloy sa labi. "I did what I did."
"Victor! You've crossed the line!"
"Kamahalan...ka-kasalan ko! Patawad at umalis ako ng walang paalam sa palasyo." Hindi ko mapigilang matakot sa inaasta ng hari.
"And you...." Hindi niya tinapos ang sana ay sasabihin ngunit nanatili lang na nakatitig sa akin. "Wear something decent before talking to me!"
Napahiya ako sa sinabi niya. Nakalimutan kong nakatapis lang pala ako ng kumot. Kaya agad akong bumalik sa loob ng kwarto at naghanap ng maisusuot.
"Tie him up." Utos nito sa mga kawal sabay turo sa prinsepe.
"Hah. I already did it with her. She's mine now."
Narinig kong saad ng prinsepe sa hari ngunit kahit hindi ko nakikita alam kung sinuntok siya nito dahil narinig kung umungol siya sa sakit.
Nang makahanap na ng maisusuot ay lumabas na ako agad.
"I already told you, what you did is punishable by law even if you are my brother." Saad ng hari bago lumabas. Hinila naman ng mga kawal ang nakagapos na prinsepe at isinakay ito sa kabayo. Ako naman ay nakasakay din sa kabayo kasama ang isang kawal. Nasa unahan naman ang hari na nakasakay sa kanyang kabayo.
Nang marating namin ang palasyo ay kita-kita sa mata ng mga naroroon ang pagtataka sa mga nangyayari. Ang reyna naman ay agad na sumalubong sa hari at alalang-alala ang mukha nito.
BINABASA MO ANG
Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)
FantasyI am bleeding but you cannot see the blood in my wound. I am in pain but you cannot see me agonizing. She is my Juliet and I was supposed to be her Romeo. But something unexpected came that leave me helpless. Powerless. Useless.