Papa!!! Papa!!
Hagolhol na iyak ko habang yakap ko ang kabaong niya.
Parang dinurog ang puso ko na makita siyang ganito.
Halos paos na din ako sa kakaiyak.
Simula na magising ako ay panay luha lang lumalabas ang mga mata ko.
Lumapit naman ang mga kaibigan ko ngunit di parin nila ako kayang patahanin.
Pati si mama at ate Bella ay natatakot sa kalagayan ko.
Nalaman kona ang lahat bakit laging wala ang papa ko sa bahay.
At palagi itong nasa trabaho.
Dahil nag iipon ito para maoperahan ako..Papaaaa! Ang daya daya mo bakit mo naman kami iniwan,Papa ang saket sakit na nandyan ka nakikita kitang nakahiga ka dyan di kana namin mayakap at mahalikan.. mahal na mahal kita papa dahil ikaw lang ang ama sa buhay ko?? 😭walang humpay sa aking pag iyak.
Niyakap na lamang ako ni ate Bella para pakaLmahin.
At ganun din si Cliff nasa tabi ko din.Makikita sa aking mukha kung gaano ako kadown ngayon.
Ang mga mahal ko da buhay ay unti- unti akong iniwan.Papa?? Paos kung sabi.
Nakita ko naman si ate na inakaso ni Cliff.
May nag abot din ng tubig at nagpaypay. Nakita ko naman si Greg ito.
Agad naman ako napayuko.
Hindi ko alam ano gagawin ko.
Nakausap na namin ang pulis at nag imbestiga na sa nangyari.Tulala..!
Puyat!!
Luhaan!!
At nasaktan?! Yan ang naramdaman ko ngayon.
Pakiramdam ko parang ininog ang aking mundo.
Dahil nawala ang kaisa- isa kung ama na umitindi at mahal kami.Besh andito lang kami ni Jaya wag ka mag alaala di ka namin pabayaan ,Wag kana umiiyak dahil hindi namin kayang makita kang umiiyak nasaan na yong Celine na matapang at palaban,Kailangan ka ng pamilya mo?? Salita ni Jaya sa akin.kaya agad naman ako napahagolhol.
Hindi ko alam na kay Greg na pala ako napayakap.Papaaa!! Hiyaw kung iyak.ang sakit ,Sakit Talaga hindi ko kaya.
Nawala ang padre de pamiLya namin.
Dahil sa pagsusumikap.
Habang pinagmasdan ko ang kabaong ng aking ama..ay natulala ako ..
Dahil hindi ko pinangarap na makita siyang nandyan.
Kundi pingarap ko na makasama ko pa sila hanggang sa magkaroon na kami ng pamilya.Hindi ko kayang makita na nakahiga siya dyan at di namin nakakausap.
Bakit Besh ang daya-daya talaga bakit si papa marami naman iba dyan?? Salita ko kaya agad naman humarap si Jaya sa kanya.
At niyakap siya.
Panay naman landas ang luha ko na nawalang tigil.Dahil may rason ang panginoon na ginawa niya ito.alam ko na kakayanin niyo ang mga pagsubok na darating sa inyo?? Salita ni Jaya.
Kaya agad naman ako nag iwas ng tingin.
May isang pares na mata nakatitig sa kanya.
Kaya agad naman siyang napaluha.
Dahil hindi ko alam bakit.
Pakiramdam ko ay down na down ako ngayon.Tama na yan Celine makasama sayo yan magpahinga kana?? Malamig na turan ni Greg sa kanya.
Kaya mabagsik na mukha ang aking hinarap siya at sabay irap sa kanya.
Kaya nanlambot naman ang mata nito na tinitigan siya at umiwas na ako ng tingin.
Habang kinakausap ko ang aking ama na kahit di na ako marinig ay kakausapin ko parin siya .Celine ,anak magpahinga kana?? Salita ni mama sa akin.
Greg ikaw muna bahala kay Celine at asikasuhin ko lang ang mga bisita?? Salita ni mama.
Kaya agad naman itong tumango.Alam ko na luhaan kaming lahat.
Dahil sa pagkawala ni papa.
Dumating din ang ibang kamag anak namin na galing probinsya.
Habang nakatulala lamang ako ay may isang kamay na humawak sa aking braso.
At agad naman ako kinaladkad at papuntang kwarto.Ano ba greg kailangan ako ni pala sa labas?? Malamig kung sabi.kaya agad ko naman siya tinulak ngunit wala akong lakas para makipag matigasan sa kanya.
Magpahinga ka muna CeLine kailangan ng mama mo ang matatag na nakikita sa kanyang mga anak wag kayo maging mahina?? salita ni greg sa kanya..kaya agad naman ako nag iwas ng Tingin.
Sa ngayon lang sila magkaharap na malapitan ay ngayon lang siya kinausap na maraming salita.Tama na yan Greg puntahan ko na si Papa sa labas?? Sabay hila sa pinto.Bigla na lamang aki nahilo na sa Iri na pala ako buhat - buhat nito.
At agad niyang pinadlockan ang pinto.Ano ba Celine makinig ka muna,Halika na magpahinga na tayo? Salita nito.kaya agad naman ako napangiwi dahil nanakit ang kanyang Likod.
Ayuko matulog kailangan ako ni papa doon? Matigas kung sabi.hinawakan ang aking kamay malambot na expresyon ang nakikita ko sa mukha niya.
Sige na Please Celine magpahinga kana halika na sa tabi ko?? Malambing na sabi nito.
Sabay hila sa kanya at agad naman siyang napahiga.
Hindi niya nalamayan na nakadantay na pala ito sa kanya dahil sa tindi ng pagod at antok ay nakaramdam siya ng pagbigat ng tuklap sa kanyang mga mata.." Greg ano ginawa mo dito sa kwarto ng Kapatid ko?? Pagtatakang mukha ni Bella.kaya nakakunot naman ang noo ng binata.
"Inutusan ako ng mama mo na pahingahin muna siya, baka kasi mahimatay na naman kapag mapagod ng sobra?? Salita ni Greg agad naman itong tumango ang dalaga..
Salamat Greg??
Agad naman itong tumango.
Kaya agad naman itong lumabas..
Nabunutan naman ng tinik sa dibdib si Bella na nakitang nagpahinga si Celine.
Dahil may plano na kami ni mama.
pagkatapos ng lahat ng libing ng aking ama ay paooperahan na ito dahil malaking halagang pera ang iniwan na matatanggap namin.Bakit pa ang ama pa namin nawala .,Wala naman ginawang masama ang aking ama naghanap buhay lang naman ...
Pahinga ka Bella?? Salita ni Cliff sa aking tabi.Nginitian lamang ako..napakabait Ni cliff sa akin.
Kaya nahihiya akong umasa at masaktan lang..Hinawakan ko ang kanyang mukha at ngumiti.
Alam mo Cliff napakabuti mong tao at lageh ka nandito sa tabi ko kapag kailangan kita?? Salita ni Bella habang nakatitig sa mata ng binata.
Lagi lang ako nandito bella dahil mahalaga ka sa buhay ko.Wag ka mag alaala ay nandito Lamang ako palagi at alam mo naman na mahal na mahal kita?? Salita ni Cliff kaya nag iwas ako ng tingin dahil sa sinabi nito.
Hindi ko alam kung paano susuklian ang pagmamahal na binigay ni Cliff sa akin..
BINABASA MO ANG
AKIN KA NALANG
Romansapaano ba kakayanin ang lahat ng sakit kung ang puso mo ay durog na durog na. kaya ko pa kayang ibangon ang aking sarili kung pati ang mundo at pag asa ko ay wasak na. lahat ng bagay sa mundo ay maraming kaakibat ng problema at tadhana ng kapalaran. ...