" Bella kumain kana at makasama sayo ang hindi kumakain,Maawa kana sa magiging anak mo wag mo sisihin ang sarili mo?? Salita ng kanyang ina.kaya agad naman siyang lumingon dito at mapait na ngumiti sa ina.
Sinisisi niya ang kanyang sarili sa pagkawala ng kapatid niya.
Kung hindi lang siya makasarili ay sana ay buhay pa ito ngayon at hindi lumala ang sakit nito.
Nakalimutan nila na may sakit ito sa puso at kailangan pang gamutin.hindi niya akalain na hanggang doon nalang ang buhay ng kapatid niya.
Ang bata pa nito at hindi pa naranasan ang mga buhay na punong puno ng pangarap.Ma ,Hindi ko kayang kumain kung alam ko naman na ako ang dahilan sa pagkawala niya"??
"Anak ,Bella makinig ka kay mama.Tayo nalang ang natira at tayo nalang dalawa magtutulungan,Kailangan natin tatagan ang buhay natin alang alang sa anak mo at apo ko dalawang buwan nalang ay magsisilang kana ng sanggol na lalaki?? Agad naman hinaplos ng aking ina ang mukha ko.
Kaya nag iwas naman ako ng tingin.Alam ko po mama?Si Rex ma anong balita sa kanya?? Tanong ng dalaga.
Kaya agad naman ito nag iwas ng tingin at nagbuntong hininga.'Hindi makayanan ni Rex sa pagkawala ng kapatid mo,Dinala siya sa Rehab para magamot siya. puro kapatid mo ang bukang bibig niya ay hinahanap niya?? Malungkot na sabi nito.
Kaya agad naman napaLuha si Bella.
At hinahaplos ang umbok na Tiyan nito.Ang daming nangyari ma simula na nawala si papa at si Celine,Ganun Lang yata kaikli ang buhay para tayo ang mawalan,kailangan natin magpakatatag para sa pamilya natin,Pero hindi ko naman kayang tumayo sa sarili kung mga paa?? Hikbi na saad ni Bella.
At agad naman itong niyakap ng kanyang ina.Simula na nawala si Celine palagi nalang nasa bar si Rex.Minsan ay naghanap pa ng gulo at nakikipag away.
Para itong binagsakan ng Langit at gumuho ang mundo.
Lahat naman kami yan ang narardaman namin.
Dahil sa aking makasariling desisyon ay maagang nawala sa kanila ang mahal niyang kapatid na si Celine.Ang buhay maikli lang.
Hindi man lang naranasan kung gaano kasaya ang mundo.
Puro pasakit at nasasaktan lang ang nasa puso nito bago nawala.
Kinaya namin magpakatatag para sa pamilya at naiwan.
Kakayanin ngayon wala na sila.Hindi natuloy ang kasal nila ni Rex.Wala ito sa sarili at laging Celine ang hinahanap nito.
Kahit anong gawin nila hindi na maiibabalik ang buhay ng kapatid niya.
'Bella anak anong gusto mong kainin?? Tanong ni mama sa akin kaya agad naman ako natakam ng sinigang.
"Ma sinigang natatakam kasi ako ngayon??nakangiti kung sabi sa aking ina.kaya agad naman ito ngumiti.
'Parang si Celine lang natatakam sa Sinigang na luto ko?? Malungkot na sabi nito kaya natigilan naman si Bella.
Tao po! Tao po..
'Ma may tao sa labas sino kaya yan? Salita ni bella kaya agad naman lumabas ang mag ina.
At nakita naman nila ang mukha ni Ka Susan.'Mare mag order ako ng dalawang bilaong kakanin kaya muna ba magluto?? Masiglang sabi nito.
'Oo naman abay mare ang dami naman niya saan ito dadalhin?? Tanong ng ginang kaya agad naman lumawak ang ngiti nito.
'Sa anak koh at pinaglihiin ang iyong Kakanin bueno at makabwenas kana agad?? Ngiti na sabi nito.
'Salamat mare malaking tulong ito.
'Wag ka mag alaala ay tayo -tayo lang naman ang nagtutulungan?? Saad nito kaya agad naman itong tumango.
'Ayun lang ba ang oorderin mo??
'Oo mare ayun lang sige mare mauna na ako at may lakad pa akong pupuntahan.
" salamat .. " ingat ka.."
"Welcome?
Ma magluluto kana agad kaya muna ba?? Pag alaalang tanong ni bella. At agad naman itong tumango.
'Oo anak kailangan natin mag ipon para sa panganganak mo?? Malambing na sabi nito.
Kaya agad naman itong tumango at sumunod sa kusina.Mama ano kaya sa tingin mo kapag magaling na si Rex ay papakasalan pa kaya niya ako?? Tanong niya sa kanyang ina .
Kaya agad naman itong tumingin sa kanya.'Anak kaya mo ba magpakasal sa isang tao na alam mo naman na hindi ikaw ang laman ng puso nito?? Lalo kang masasaktan kung ipagpilitan lang na magpakasal kung may mahal ito na kailan man ay hindi ito nalimutan??..
'Ma patay na si Celine,??
" patay na ang babaeng mahal niya pagdating naman sa puso at isip niya ay nanatili itong buhay..Maghintay ka nalang sa tamang panahon makaahon din siya?? Matamlay na sabi ng aking ina.kaya natahimik na lamang ako.
Tama nga naman.
Ang pagmamahal ay hindi pinagpilitan sa bagay na kailan man ay hindi pa mangyayari dahil may masasaktan at nasaktan ..
Marami man pagkakataon na darating ang oras na makapag isip ng tama.Tinungan ko si mama maggawa ng kakanin.
Marami kaming kwentohan.
Kahit kulang na kulang na kami.
Minsan hindi ko nakitaan ng maging mahina ang aking ina.
Sapagkat ay naging matapang pa ito sa hamon ng buhay at nagpakatatag..Mama ayaw muna ba mag asawa,Alam ko naman po na kailangan niyo ng karamay at masasandalan?? Salita ko at agad naman ito ngumiti sa kanya at umiling.
Hindi ko na kailangan mag asawa anak dahil matanda na ako at tsaka ama mo lang ang mahal ko??
Nakakamiss sila mama noh?? Nakangiti niyang sabi sabay punas sa pawis nito.
BINABASA MO ANG
AKIN KA NALANG
Romancepaano ba kakayanin ang lahat ng sakit kung ang puso mo ay durog na durog na. kaya ko pa kayang ibangon ang aking sarili kung pati ang mundo at pag asa ko ay wasak na. lahat ng bagay sa mundo ay maraming kaakibat ng problema at tadhana ng kapalaran. ...