Mahal upo ka nga dito pipicturan kita?? Nakangiting sabi ng lalaking kasama ko.
Kaya agad naman akong umupo at ngumiti.1
2
3
Click!!
Ano maganda ba ang pagkakuha? Tanong ko sa kanya..kaya agad naman ako niyakap at pinakita sa akin ang pictures ..
Hindi lang maganda kundi sobrang ganda ng mahal ko?? Salita ni Rex kaya agad naman ako nakasimangot dahil bumabanat na naman sa kakornihan nito..
" bolero mo Talaga mahal,ilan babae na ba ang pina- iiyak mo?? Tanong ko sa kanya.
Kaya agad naman itong yumapos sa akin."Wala pa?? Sabi nito.
" umayos ka Rex kapag pinaiiyak mo ako di na kita papansinin at Kakausapin?? Nakasimagot parin na sabi ko.
Humalakhak naman ito at sabay hinarap ako sa kanya.
Sabay pingot sa aking ilong."Wag ka mag alaala mahal pangako sayo hindi kita paluluhain at sasaktan?? Sabay taas kaliwang kamay.
'Totoo ba yan Mahal?? Sabi ko sa kanya..kaya agad naman itong tumango sa akin.
" next week na ang sembreak ano sasama kaba sa bakasyon namin?? Tanong nito sa akin.at agad naman ako humilig sa kanyang balikat.
At tumingin sa mga tao na dumadaan..'Pwede ba ako sumama?? Tanong ko sa kanya..
" Oo naman ikaw pa mahal malakas ka sa akin?? Salita ulit ni Rex kaya agad naman ako tumango.
"Sige sasama ako.,May tanong lang ako sayo mahal?.hinarap ko naman siya at tinitigan ang kanyang matang napupungay.
" niligawan mo ba noon si Fatima,kasi magalit ang bruha sa akin ay daig pang inagaw kita sa kanya?? Sabi ko aa nakanguso.
Kaya agad naman naging seryoso ang mukha nito at tinitigan..'Hindi mahal dahil ikaw lang ang mahal ko at higit sa lahat ay ikaw lang ang babae na gusto ko?? Hinampas ko naman ito sa braso at namumula ang aking pisngi.
"Grabe ka mahal kotang kota kana talaga lagi mo nalang ako pinakilig??...
Agad naman ito tumawa.
Maraming pictures ang naka saves sa Kanyang Camera.
Habang tinitigan namin ito ay di namin maiwasan na matawa.
Kahit anong Reaction namin sa aming mukha ay Maganda parin tingnan.Hinatid ako ni Rex sa bahay at sakto naman ay naabutan namin si Greg at ate Bella.
Kaya hinalikan naman ako sa noo ng lalaking nasa tabi ko at nag paalam na.. Kaya agad naman ako ngumiti at yumapos.'Mag iingat ka sa pagdrive hah?? Malambing kung sabi..kaya agad naman itong ngumiti ..
' Oo naman para sayo??..
" I love you Mahal?? Salita ni Rex kaya agad naman ako ngumiti ..
'i love you Too mahaL?? ..
Lumakad na ito papunta sa sasakyan at ako naman ay papasok ng bahay.
Nakita ko naman na waLa sa mode si ate Bella kabit balikat lamang ako at nagmano na kay mama na galing ito sa kusina.
Habang si Greg ay tamihik lang na pinag masdan kami magkapatid.." Loves Aalis na ako may meetting pa akong habulin?? Malamig na tono na boses ni Greg tumango naman si ate at hinatid sa may pintuan..
Agad naman ako nakasalampak sa aking kama dahil napagod ako ngayon na araw na to.Bigla na lamang ako nagulat na masamang tingin ang pinukol sa akin at Humarap sa kinaroronan ko..kinataka ko lamang ay bakit ito pumasok sa kanyang kwarto??..
" Ilang beses ko ba sabihin sayo Celine na wag mo siyang sagutin,matigas talaga ang ulo mo?? Matigas na sabi ni ate bella.
Kaya agad naman napakunot ang aking noo."Problema mo ate?? Takang tanong ko sa kanya.
Kaya naasar naman siyang tiningnan ako at sinamaan ng tingin.." sabi ko wag mo siyang sagutin,Hiwalayan mo si Rex at wag na wag mo makita na magkasama kayo?? Matigas na sabi ni Ate Bella. Kaya agad naman ako napairap.
"Bakit kaba nagkaganyan ate para ka naman Kj dyan may Greg kana at ano gusTo mo pa si Rex pa ?? Ano ka Dalawa ang puso dahil dalawa ang mahal?." Walang gana kung sabi
Kaya agad naman itong umiling at Tiningnan ako ng mabuti."Hindi ko mahaL si Greg,Kaya ko lamang siya sinagot dahil sa posisyon sa trabaho ko naintindihan mo ba?? Matigas na sabi nito..kaya agad naman tumayo at hinarap ang kapatid ko na nababaliw na.
'Para kang sira aTe may greg kana at bakit mo pa ako ginugulo.. mahal ko si Rex kaya wag kana umepal pa sa relasyon namin?? Matamlay kung sabi...napailing na lamang ako dahil padabog itong humarap sa kanya ..
" mahaL ko din siya Celine Simula bata pa lang kami ay mahaL na mahal ko siya.. naalala mo yung sinabi ko na nag stalker ako sa kanya nung bata pa kasi crush ko siya.. si Rex yun Celine ,,Pero nang nalaman ko ikaw ang niligawan niya ay sobra akong nag iisip bakit ikaw pa sana ako nalang??
'Bakit puro ikaw nalang ate. wala na ba akong karapatan na magmahal at mahalin ako May Greg kana ah pinaasa mo lang ang tao na akala niya na mahal mo siya,Wag na wag ka gumawa na ikasira natin dalawa magkapatid kahit kapatid at ate pa kita ay di kita sasantohin kapag inagaw mo ang lalaking mahal ko??.. malamig kung sabi kaya napaatras naman si ate.
'Hindi mo alam ang sinasabi mo Celine kapag nalaman ni Rex na may sakit ka sa puso sigurado akong Iiwan ka din niya??. sigaw ni ate kaya natameme naman ako at natulala.
Hindi niya alam anong nangyayari sa kapatid niya..dahil lang sa isang lalaki ay nagkaganito siya.'Mga anak nag aaway ba kayo?? Katok ni mama sa pinto.
lumabas naman si ate at nagtatakang mukha ng aking ina na tumingin sa aming dalawa.
Kaya nag iwas na lamang ako ng tingin.Akala ko ay si Greg ang mahaL ng kapatid ko..bakit niya sinagot ang taong yun kung di niya pala mahal sinasaktan niya lang ang taong Yun..
Napailing na lamang ako dahil sa isang lalaki ay nagbitaw kami ng masasakit na salita ng kapatid ko.
Hindi ko na talaga siya kilala.
Wala na yung kapatid kong malambing at nag aalaga sa akin.
Pumatak ang aking luha kasabay ng aking pagbalik tanaw ng nakaraan namin magkapatid.

BINABASA MO ANG
AKIN KA NALANG
Romancepaano ba kakayanin ang lahat ng sakit kung ang puso mo ay durog na durog na. kaya ko pa kayang ibangon ang aking sarili kung pati ang mundo at pag asa ko ay wasak na. lahat ng bagay sa mundo ay maraming kaakibat ng problema at tadhana ng kapalaran. ...