Ahhhhhhh!!!!...tulungan niyo ako??? Sigaw mula sa labas.Kaya agad naman naglabasan sila at nakitang dinudugo si Bella.
Habang kinarga ito ni Mang kalso si Ate Bella.
Ay panay naman dalangin si mama sa kaligtasan ng kapatid ko.
At siya naman ay tulala at wala sa sarili.
Marami siyang iniisip at lalo na palaging siyang puyat dahil sa pagreview niya sa Exam.
Tumabi sa akin ang aking ina sa akin at panay piping dalangin nito lumalabas sa kanyang bibig.Ganun naman talaga ang magulang lagi nag alaala sa anak.Dahil walang magulang na pabayaan lang ang anak.
Tita anong nangyayari?? Tanong ni Greg. magulo ang buhok nito at nangingitim ang ilaLim ng mata nito..kaya agad naman siyang nag iwas ng tingin dahil kitang kita niya kung gaano ito kahalaga ang kapatid niya ang lalaking nasa harapan niya.
Hindi ko alam Hijo kung ayos lang ba ang aking anak sa Loob,Nakita lamang namin siya sa labas ng bahay dinudugo na?? MaLambing na sabi ni mama.
Kaya agad naman itong tumango at Hindi mapakaling umupo.Lumabas naman ang doctor nag unahan pa sila ni mama magtanong kung ayos lang ba ang kapatid ko. Kahit ako ay tahimik lang nagmamasid sa paligid.
Hay salamat sa awa ng taas ay naging okey na din ang kapatid mo CELINE??parang nabunutan ng tinik ang aking ina.kaya agad naman ako napairap.
" Tita pahinga na po kayo at wag na kayong mag alaala sa gastusin ako na po bahala sa lahat?? Salita ni Rex habang nakatingin sa akin.
"Salamat Hijo,Sana ay maalagaan mo ang iyong mag ina.Kailan niyo ba balak magpakasal para mabantayan mo ang aking anak?? Salita ng aking ina.kaya agad naman akong nag iwas ng tingin.
Para akong binabaon sa lupa sa aking narinig.
Kaya ko bang makita ang lalaking mahal ko ay ipapakasal sa kapatid ko.' pag uusapan na po namin yan Tita wag po kayong mag alaala?? Magalang na sabi nito ..
Nagpaalam naman akong umuwe na.
Habang naglalakad ako para sumakay sa Jeep ay nakita ko naman ang isang park na maraming tao.
Kaya agad naman akong umupo sa may sementong upuan at tumingin sa maraming tao na nakikisaya.Mapait akong ngumiti at tiningnan ang aking kamay .. Dahil namumutla ito sa pagkahawak ko sa aking damit.
" hanggang kailan mo ba titiisin ang lahat ng sakit dyan sa puso mo Celine?? Salita mula sa kanyang likuran kaya.
Agad naman akong napayuko.
Nakita ko si Greg na tumabi sa akin.'Bakit ka nandito sinusundan mo ba ako?? Walang gana kung sabi.Ngumisi naman ito at sabay titig sa kanya.
Kaya agad naman ito lalo humalakhak na kinakunot aking noo.Alam mo CeLine hindi ko alam anong nakita mo kay Rex,hindi lang naman siya ang lalaki sa mundo,Malay mo ay nasa tabi-tabi lang pala ang destiny mo?? Nakangiti na sabi nito.
"Sino naman ikaw? Psh! Anong tinira mo Katol ba?? Inis kung sabi sa kanya.
Kaya agad naman ito naging seryoso ang mukha nito.'Hindi ako nagbibiro sa aking sinabi Celine?? Saad nito.Natulala na lamang ako na biglang hinalikan ang aking labi.habang malalim ang aking pagkatulala ay di ko namalayan na nag mukha na akong tanga.
'Aughh/! Gagong Greg na yun naisahan ako?? Inis niyang sabi.
Kumusta na ang pakiramdam mo?? Tanong ni mama kay ate.Nasa ospital sila habang ang kapatid ko ay gising na at nagpapayakap kay Rex.
Kaya agad naman ako nagbuntong hininga.'Kailan pa ako magiging okey ma kung palagi ko nakikita si CeLine bakit ba natin siya pagtiyagaan na alagaan at pag alaala sa kanya kung wala naman siyang ginawa?? Matigas na sabi ni Ate Bella na may halong irita.
" anak kapatid mo si Celine??
"Wala akong kapatid na makasarili at mag aagaw?? Saad ni ate Bella.
Kaya napailing na lamang siya at nagsimula ng magsisigaw ito sa ospital..Anak pasensya kana,Maari bang lumabas muna tayo para mag uusap?? Salita ng kanyang ina.Tango lamang ang kanyang sinukli.
Hinawakan naman ng kanyang ina ang balikat niya at ngumiti." anak ,pagpasensyahan muna ang kapatid mo ganyan talaga ang mga buntis paiba iba ang ugali.
"Ma wag na po kayo magsalita alam ko na yan ..Sige alis na po ako baka makadistorbo lang ako.
" anak ,,Celine??
"Ma ayos lang ako at kailangan niya kaysa sa akin?? Nakangiti kung sabi.habang naglalakad ako ay pabigat na pabigat ang dagan ng aking dibdib hindi ko na Lamang ito iniinda.
Nagmamadali akong pumara ng taxi at sumakay.Nagpahatid ako sa bahay namin at agad naman akong bumaba at pumunta sa kwarTo ko.
Pinagpupunit ko ang mga pictures namin dalawa at lalo na lahat ng mga alaala namin ay pinagtatapon ko." malaya kana!!! Malaya kana!! Hindi na kita kailangan,, Magpakasaya kayo , Dahil mahina ako ngayon...Sa oras na makabangon ako ay ako naman??? Ako naman ang magiging masaya sa piling ng iba???.. Salita ko sa harapan ng salamin habang nakatitig ko sa aking sarili.
Ahhhh!!! Hiyaw niya at hinagis niya ang mga gamit niya sa kanyang kwarto.
Magulo at maraming nabasag sa kanyang silid.
At agad naman ako nag empake ng gamit at mga importanteng gamit lang ang dinala ko."Magiging masaya kayo kapag wala na ako sa piling niyo?? Matamlay niyang sabi.
Ineng! Ineng..tawag ni Ka Susan kaya agad naman siya humarap dito.
" bakit po?
"Saan ka pupunta Ineng at Gabing gabi kana ay lumabas ka pa at may bitbit na bagahe?? Tanong nito sa kanya kaya ngumiti na lamang siya.
'Ako y mag pakalayo-layo muna ka susan Dyan muna kayo para mabilis ako sumakay ng jeep.

BINABASA MO ANG
AKIN KA NALANG
Romantikpaano ba kakayanin ang lahat ng sakit kung ang puso mo ay durog na durog na. kaya ko pa kayang ibangon ang aking sarili kung pati ang mundo at pag asa ko ay wasak na. lahat ng bagay sa mundo ay maraming kaakibat ng problema at tadhana ng kapalaran. ...