Violet Energy

126 6 2
                                    

Naguguluhan pa rin ang Ametista. Ang sabi ni Angelika ay hindi ordinaryong lindol ang nangyari. Ito ay kagagawan ng isang makapangyarihang tao. Wala naman silang maisip na nagpasimuno nito bukod kay Marianne. Everyone is assuming na ang black sheep ng Ametista ang may pakana nito.

"Look!" Bulalas ni Quennie na ngayo'y nanonood sa kaniyang cellphone. Napatingin rin ang ibang Ametista dito. Ang iba naman ay kaniya kaniyang kuha ng mga gadget.

"8.9 ang natayang lindol dito." Arlan stated while looking at his hologram. Nakiusisa na rin ang iilan. "But according to my sources, scarlet energy ang may pakana nito. Ibig sabihin,"

"Hindi si Marianne ang gumawa ng eksena." Tuloy ni Nicah.

Napatunganga ang lahat. Gulong gulo pa rin sila sa nangyayari. Samantalang si Kyla ay tahimik lang na nagmamasid sa paligid. Kilala niya ang may-ari ng scarlet energy. At walang iba kundi si Earl.

Pero bakit nga ba ginamit ni Earl ang kaniyang kapangyarihan? Iyan ang nais ni Kyla na makunan ng kasagutan. Earl won't use his energy kung hindi ito importante. Unless nagalit siya 'di ba?

Nagsiuwian na ang Ametista pagkatapos ng eksenang iyon. Kaniya kaniya na silang nagsilaho't sumakay sa mga sasakyan. Samantalang si Arlan ay panay pa rin sa paghahanap ng mahiwagang papel. Palagi niyang chini-check ang kaniyang hologram. Ang pinahiram niyang mga hologram sa kaniyang mga kaklase ay naibalik na sa kaniya.

"Anong next? Tuesday pa naman bukas, ah?" Si Ela na ngayo'y napapagod na kalalakad.

"Ewan." Kibit balikat ni Nicah.

"May naisip ako!" Bulalas ni Merlaine. "Tuesday bukas, 'di ba? Paano kung maggala na muna tayo?"

"Maggala?" Si Ela. "Hahanapin pa natin 'yong magic paper, 'di ba? Kailangan natin 'yon para masimulan na 'yong laban."

"Saka 'di ba nga, Friday, kailangang mahanap na natin iyon?" Si Nicah.

"Eh saan ba kasi mahahanap 'yon? Bakit pa kasi traydor 'yang si Marianne!"

"Oy, 'di ah." Agap ni Nicah.

Alam ni Nicah ang kalagayan ni Marianne. Batid niyang kailangan lang ni Marianne na gumawa ng masama para lumakas siya at para mapatunayan sa kaniyang ina na nararapat siyang tagapagmana ng trono.

"Pa'no mo naman nasabi?" Si Merlaine na ngayo'y magkasalubong ang kilay.

"W-Wala." Nicah lied. Bumusangot naman si Ela at napaisip ng malalim si Merlaine.

Ano na naman ito Merlaine? Hanggang saan aabot ang imahinasyon mo?

***

"Bukas, susubukan mo 'yong kapangyarihan mo, Dudes. Tutal magkita kita pa naman tayo, right?" Si Jezelle kay Janrez.

Buo na ang plano ni Jezelle. Agresibo din siya na maisatupad ito. Kailangang may magawa siyang paraan para mabawi kay Marianne ang mahiwagang papel. Dahil kung hindi, hindi magsisimula ang laban sa pagitan ng kanilang paaralan laban sa iba. At kapag ganoon ang mangyayari, talo na kaagad sila. Maaaring ito na rin ang huling pasok nila sa paaralan. Uulit na naman sila ng grade nine. Masasayang lahat ng pinaghirapan nila.

"Pero 'di ko maipapangako na magtatagumpay ako." Paalala ni Janrez sa lahat.

The squad is inside the house of Janrez, sa May-Iba. Naririto ang Team Memorable.

"Basta gawin mo ng maayos." Si Daniel.

"Sige. Pero... kinakabahan ako." Biglang tumawa si Janrez kasabay ng paghawak niya sa kaniyang dibdib.

"Kaya 'yan." Si Carla.

"Saka 'di mo pa naman nasisimulan, eh." Si Glaiza.

"Basta ha? Tulungan niyo 'ko." Si Janrez na ngayo'y kabadong kabado. Alam niyang hindi madaling kontrolin si Marianne. Knowingly that girl has the power to control another power.

"Nandito naman si Luise, e." Singit ni Trixie.

"Oo nga, Udo. Huwag kang mag-alala." Si Luise sabay hawak sa braso nito. Nagmamayabang na naman. "Tutulungan kita."

"Promise?"

"Huo!"

"Ge."

"Edi 'yan, okay na." Bulalas ni Jezelle. Lahat ay napabaling sa kaniya. "Make sure hindi niya matutunugan na minamanmanan natin siya. First of all, use your invisibility. Next na 'yong mind reading."

"E ako?" Si Luise kay Jezelle. "Anong gagawin ko?"

"I think sa'yo magsisimula ang plano." Sagot ni Jezelle kay Luise. Umismid ang dalaga sa binata. May panibagong balak na naman si Jezelle. Ano naman ba ito?

Sa kabilang dako, nakauwi na si Earl sa kaniyang tahanan. Buhay pa rin ang apoy sa kaniyang sistema. Kahit ang mga mata niya'y kulay scarlet pa rin.

"Earl," sambit ng babae. Napabalik siya sa kaniyang diwa nang narinig niya ang boses ng taong mahal niya.

"B-Babe? B-Ba't ka nandito?" Kinakabahang tanong ng binata sa nobya.

Napabuntong hininga si Kyla. Dismayado siya sa kaniyang nobyo. Gusto niyang malaman kung bakit niya ginamit ang kaniyang kapangyarihan.

"Don't lie to me." Sabi ni Kyla, nagbabanta.

"H-Huh?" Pagmaang-maangan ni Earl.

"Ginamit mo 'yong kapangyarihan mo. Alam ko na ang totoo. Pero bakit nga ba?"

Napabuntong hininga naman si Earl. Nahihirapan siyang ipaliwanag kay Kyla ang nangyari. Ayaw niyang ipabatid sa dalaga ang nakaraan nila ni Marianne.

"W-Wala." Tumalikod si Earl dahil labag sa kalooban niya ang magsinungaling sa nobya. Alam niyang hindi niya ugali iyon. Ang katotohanan ay nararapat lamang na ibahagi sa lahat ngunit hindi ang ganitong bagay. Lalo na't alam niyang makakasira iyon sa relasyon nilang dalawa.

"Earl!" Tawag ni Kyla.

"I'm sorry, babe." Si Earl at biglang naglaho. Kyla's breathing hitched. She heaved a long sigh at napasapo sa kaniyang noo.

"No..." tahimik na umiyak si Kyla. Sinapo niya ang kaniyang bibig dahil sa mumunting hagulhol nito.

Itinaas niya ang kaniyang palad. Lumabas doon ang kaniyang kapangyarihan, the violet energy. She has the ability to move objects and heal wounded people. Pero sa sitwasyon ngayon, hindi tatalab sa kaniya ang kaniyang kapangyarihan. The wound or the pain is extraordinary. Ang kaya niya lang pagalingin ay ang mga nakikitang sugat. Her heart is wounded emotionally. Poor Kyla. How will you manage the pain?

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon