Kahinaan

48 3 2
                                    

"Wala na talaga..." nanghihinang sabi ni Jezelle. "Wala ng pag-asang makita pa natin ang katawan ni Arlan."

"Tara na ngalang. Pagod na pagod na ako." Reklamo ni Luise.

"Oo nga." Segunda ni Janrez sabay hikab at unat ng katawan.

Tumitig si Jezelle sa kawalan. Inaalala niya ang buong nangyari pero bigo siyang makakuha ng impormasyon tungkol sa katawan ni Arlan. Imposible talagang mawala iyon gayong wala namang kumuha.

"Wala talaga." Aniya sabay iling. "Tara na."

Sumang-ayon ang buong grupo. Pagkunway naglaho silang lahat.

Dumating ang grupo ni Jezelle sa silid ng Ametista. Kaagad silang pinaulanan ng tanong.

"Nakita niyo ba?"

"Nasaan ang katawan ni Arlan?" Sabay sabay nilang tanong. Hindi umimik ang Memorable kaya napatingin ang ibang Ametista sa isa't isa. Nagtataka sila sa pagiging matamlay ng mga ito.

"Wala kaming nakita." Pahayag ni Jezelle. "'Di namin alam kung nasaan."

Their breathing hitched. So, totoo talagang nawawala ang bangkay? Saan naman iyon napunta? Sino ang kumuha?

Nagpahinga muna ang Ametista. Pagod na pagod silang lahat. Mabuti at kayang pagalingin ni Kyla ang kanilang mga sugat basta ay mababaw lamang.

Sa isang sulok ay may maririnig na hikbi ng isang babae. Narinig ito ng iilan pero isang lalaki lamang ang pumansin.

"Quennie..." sambit ni Russel. Tumingala si Quennie sa kaniya pero agad ding nag-iwas ng tingin. Basang basa ang kaniyang mukha sa luha.

Umupo si Russel sa tabi ng dalaga na panay sa hikbi.

"Maaayos din ang lahat." Umaasang sabi ni Russel.

"Kailan?" Nag-angat ng tingin ang dalaga. Mataman naman siyang pinagmasdan ng binata. "Uubusin ba tayong lahat? Hanggang kailan tayo lalaban? Hanggang kailan tayo maghihirap?" Niyakap siya bigla ni Russel, trying to ease her pain. "Hanggang kailan?" She cried. Her heart is breaking.

"Kaya natin 'to, Quennie. Magtiwala lang tayo sa isa't isa."

"Sana nga." Agap niya. "Kasi ako? Pagod na pagod na ako. Gustong gusto ko ng sumuko."

"Huwag, please. Kapit lang."

Hindi na umimik ang dalaga. Pagod na pagod na siya sa lahat nang nangyayari. 'Di niya alam kung hanggang kailan siya magtitiis.

Kinabukasan ay bumisita sa kanila si Mr. Balangue. Katapusan na ng buwan. 'Di man lang nila namamalayan. At ang mas masaklap pa sa sinapit nila ay hanggang ngayon, 'di pa rin nahahanap ang magic paper. Nabawasan na sila ng tatlo pero 'di parin umuusad ang misyon.

"Oh? Ano ng balita niyo?" Si Mr. Balangue. Nakatayo siya sa harap ng klase.

Tumungo ang iba. Ang iba naman ay napaimpit ng husto. Natatawa sila na nahihiya sa nangyari.

"Bakit kulang kayo? Nasaan ang boys? Si Arlan, nasaan?"

Kaniya kaniya silang tago ng mukha sa tanong ng adviser. Napalunok ang iba, kinakabahan. Ano ngayon ang sasabihin nila?

Inisa-isa ni Mr. Balangue ng tingin ang kaniyang mga estudyante. Napansin niyang wala si Marianne. Usually siya ang una niyang napapansin dahil sa taglay nitong kadiliman. Mr. Balangue's powerful as well. He has a dark power. Pero lihim lamang iyon sa lahat. Puwera kay Marianne na alam niya ang buong pagkatao nito. They share the same world. They breathe the same air. Tauhan si Mr. Balangue ng kaniyang ina.

"Wala rin si Marianne. Ano bang nangyayari sa inyo, Amethyst? Nasaan na ang magic paper?"

"Sir..." si Ayessa kaya naagaw niya ang atensyon ng prof. "'Di pa po namin nahahanap."

"Bakit? May problema ba? Pang grade one na nga lang 'yon eh."

"Hala, sir!" Reklamo nila. Seriously pang grade one? Si Marianne ang kalaban nila! 'Di nila alam ang takbo ng utak ng babaeng iyon!

"Ano? 'Di niyo talaga kaya? Ibibigay nalang sa section two-"

"No, sir!!!" Tutol nila kaagad.

"Kailangan lang namin ng sapat na oras, sir." Pahayag ni Abrielle. "'Di na kasi katulad ng dati ang ngayon. Marami ng nagbago."

"Hugot ba 'yan?"

"Hindi po, sir. Seryoso po. Sa katunayan, nakay Marianne ang magic paper."

Bahagyang nagulat ang guro sa pahayag ng kaniyang estudyante. Buti at nakabawi kaagad siya.

"Ay 'yon naman pala eh. Bakit 'di pa binibigay sa akin?"

"'Yon na nga po, sir." Singit ni Angelika. "Nagtatraydor po siya sa amin. Kinakalaban niya po ang buong school."

"Kinakalaban?" Kunot noong pag-uulit nito. "Baka naman niloloko lang kayo nun."

"'Di, sir." Si Rica. "Nasa kaniya po talaga ang magic paper. Saka po kahapon lang, nakalaban namin ang grupo niya. Pinatay po nila sina Glaiza, Via at Arlan." She broke down into tears. Hindi niya napigilan ang kaniyang sarili. Closed friend niya si Glaiza at nanlulumo siya ng husto sa sinapit ng kaniyang kaibigan.

Natahimik ang adviser. Napaisip siya bigla. Hindi niya lubos akalaing magagawa iyon ni Marianne. Ang buong akala niya'y hindi ito maghahasik ng lagim dahil nangako itong wala siyang sasaktan.

"Sige..." basag niya sa katahimikang namayani. "Titignan ko kung anong magagawa ko. Pero maipapangako niyo ba na within one month or less than, nasa inyo na ang magic paper?"

"Opo, sir!" Masaya nilang sagot. Hindi masidlan ang kaligayahan sa kanilang mga puso. Para bang nabunutan sila ng tinik sa dibdib. Nabuhay ang namatay nilang pag-asa.

"Pero, sir... paano na 'yong legendary formula? Saka po 'yong contest?" Kuryosong tanong ni Micha.

"Baka may changes. Titignan ko pa."

"Sige, sir." Ngumiti si Abrielle at nakipag-apir sa kaniyang katabi. Kulang nalang ay magkakaroon ng party. Labis silang nasisiyahan sa konsiderasyon ng guro. Umaasa silang magagawa rin nila ang kanilang tungkulin.

Lumabas na ang guro. Tuwang tuwa pa rin ang buong Ametista.

"Mabuti nalang at kinonsider ni sir." Natutuwang sabi ni Micha.

"Kaya nga eh." Sang-ayon ni Junelle.

"Sana naman mag-ayos na tayong lahat." Umaasang sabi ni Jezelle.

"Oo nga." Si Janrez.

"Guys, may naisip ako." Deklara ni Kyla. Naagaw niya ang atensyon ng lahat. "Naisip ko lang na 'di natin alam ang buong pagkatao ni Marianne."

"Anong ibig mong sabihin?" Kuryosong tanong ni Carla.

"Naisip ko lang na kapag malaman natin ang kuwento ng buhay niya, may makukuha tayong impormasyon sa kaniya."

"Ha?" Bulalas ng ilan. Hindi nila nakuha ang punto ng dalaga.

"I mean, baka malaman natin ang kahinaan niya."

"Delikado, Kyla." Tutol ni Russel. Napatingin sa kaniya ang dalaga. "'Di ba sabi ni Marianne sa'yo na huwag mo ng alamin ang buhay niya dahil parang binaon mo na rin ang paa mo sa lupa?"

Natahimik si Kyla. Ngayon niya lang naalala ang sinabi ni Marianne sa kaniya kahapon.

"Or atleast alam natin ang kahinaan niya." Giit nito.

"Like what? Foods, tao or bagay?"

"Light." Si Rica. Napalingon sa kaniya ang buong Ametista. "'Di ba itim siya? Kahinaan niya ang liwanag."

"Tama." Si Kyla. "At 'yan ang susunod nating pag-aaralan. Lahat ng kahinaan niya. Mula sa pagkain hanggang sa mga bagay bagay." Kompiyansa niya. Marami ng bagay ang nabubuo sa kaniyang utak. Marami na siyang naiisip. At iyon ang gusto niyang mangyari.

"Prepare yourself, Marianne. Matatalo ka rin namin." Aniya sa kaniyang isip at umismid.

The Chronicles of Ametista (Part 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon